Jaclyn ihahatid na sa huling hantungan; Andi hinihikayat magbalik-showbiz

Jaclyn ihahatid na sa huling hantungan; Andi hinihikayat magbalik-showbiz

Jaclyn Jose

NGAYONG araw, March 10, magaganap ang inurnment sa labi ng yumaong veteran actress na si Jaclyn Jose sa The Garden of the Divine Word Columbary, sa E. Rodriguez, Quezon City.

Inaasahan ang pagdalo ng mga kapamilya, mga kaanak at malalapit na kaibigan ng premyadong aktres sa paghahatid sa kanya sa huling hantungan.

Abot-langit ang pasasalamat ng naulilang pamilya ni Jaclyn, lalo na ang anak niyang si Andi Eigenmann, sa lahat ng nakiramay at nagbigay-pugay sa kanyang pinakamamahal na ina.

“Maraming salamat sa pagpunta. Everyday it warms my heart. It has been helping me so much better to cope to see how many people cared and love my mother.

Baka Bet Mo: Andrew Schimmer, 2 anak inihatid na sa huling hantungan si Jho Rovero

“Especially I know how big my mother’s heart has been. All her life, it has always been about love, it has always been about sharing love, being so passionate about love. Love for everyone else around her,” ang bahagi ng mensahe ni Andi.

Todo pasalamat din ang kapatid ni Andi sa ama na si Gabby Eigenmann sa lahat ng nagpakita at nagparamdam ng kanilang pagmamahal at pagpapahalaga kay Jaclyn.


“These faces that come up to you, and you see their emotion, alam mo may connection and may pinanggalingan. Tapos yayakap.

“The hug, that is where I draw, kasi if lumapit ka ng masaya, yayakapin din kita ng masaya, if umiiyak ka, iiyak din ako,” pahayag ng Kapuso actor.

Aniya pa, “May nga connection kasi mararamdaman mo lang sa yakap ng tao.

Baka Bet Mo: Jennylyn, Dennis ikinasal na, sumumpa sa isa’t isa: Forever, you and me!

“Kaya from time to time, I go to Andi and hug her and absorb the people that hug her, mga emosyon naramdaman niya sa ibang tao to absorb mga naramdaman niya sa tao. Kaya I absorb it for her,” sey pa ni Gabby.

Samantala, may mga fans naman ang nanghihikayat kay Andi na bumalik na sa pag-aartista upang ipagpatuloy ang legacy na iniwan ng kanyang namayapang ina.

Baka raw ito na ang tamang panahon para i-consider uli ni Andi ang sumabak uli sa aktingan dahil siguradong ikaliligaya raw ito ni Jaclyn saan man ito naroroon.

Read more...