NALAGAS agad ang 112 participants na naglalaban-laban sa 71st edition ng Miss World pageant na ginaganap ngayon sa India.
Napili na ang Top 40, pero sa kasamaang palad ay hindi na naka-survive ang kandidata ng Pilipinas na si Gwendolyne Fourniol.
Baka Bet Mo: Miss World PH 2022 Gwendolyne Fourniol mas pinili ang Pinas kesa sa France: This is my home and I want to stay here
Una nang pinangalanan ang 13 candidates na pasok sa Top 40 matapos itong magwagi sa Fast Track challenges.
Ito ay sina:
Leticia Frota ng Brazil
Hannah Tumukunde ng Uganda
Sofiia Shamiia ng Ukraine
Priyanka Joshi ng Nepal
Axelle Rene ng Martinique
Lucia Begic ng Croatia
Huynh Phuong ng Vietnam
Lesego Chombo ng Botswana
Ada Eme ng Nigeria
Nokutenda Marumbwa ng Zimbabwe
Jessica Gagen ng England
Yasmina Zaytoun ng Lebanon
Imen Mehrzi ng Tunisia
Ilan pa sa mga pasok sa Top 40 na maglalaban-laban upang mapili sa semi-finals ay sina:
Elise-Gayonne Vernon ng Belize
Jaime Vandenberg ng Canada
Maria Martinez ng Dominican Republic
Lucia Arellano ng Peru
Elena Rivera ng Puerto Rico
Aché Abrahams ng Trinidad And Tobago
Julia Edima ng Cameroon
Chantou Kwamboka ng Kenya
Antsaly Rajoelina ng Madagascar
Liza Gundowry ng Mauritius
Bahja Mohamoud ng Somalia
Claude Mashego ng South Africa
Arek Akot ng South Sudan
Halima Kopwe ng Tanzania
Kedist Deltour ng Belgium
Krystyna Pyszková ng Czech Republic
Clémence Botino ng France
Faith Torres ng Gibraltar
Rebecca Arnone ng Italy
Paula Pérez ng Spain
Darcey Corria ng Wales
Kristen Wright ng Australia
Sini Shetty ng India
Audrey Susilo ng Indonesia
Wenanita Angang ng Malaysia
Navjot Kaur ng New Zealand
Nursena Say ng Turkey
Alam niyo ba na marami ang umaasa na malaki ang fighting chance ni Gwendolyne na makapasok sa quarter-finals dahil isa siya sa mga nangunguna sa fast track events ng pageant.
Kabilang na riyan ang pag-secure niya ng Top 20 spot sa Top Model Challenge, Top 23 sa Talent Challenge at Top 25 sa Head-to-Head Challenge.
Isa rin siya sa mga napili sa Sports Challenge na mula sa Asia and Oceania.
Samantala, ang Miss World coronation ay kasalukuyang ginaganap sa Jio World Convention Center sa Mumbai, India.
Kabilang ang beauty queen-actress na si Megan Young sa mga hosts at presenters ng event at kasama niya riyan ang Indian TV personality na si Karan Johar.
Si Megan ang kauna-unahang Pinay na nakapag-uwi ng Miss World title.
Ang mga performers naman ay ang Indian playback singers na si Shaan at Nena & Tony Kakkar.
Ang current titleholder ng Miss World ay si Karolina Bielawska na mula sa Poland.