Robi Domingo, Gretchen Ho muling nagsama para sa hosting gig

Robi Domingo, Gretchen Ho muling nagsama para sa hosting gig

Robi Domingo at Gretchen Ho

MAKALIPAS ang ilang taon ay muling nakitang magkasama ang dating magdyowa na sina Robi Domingo at Gretchen Ho.

Nag-reunite ang dalawa para sa isang hosting gig at ibinahagi ng Star Magic sa kanilang Instagram page ang ilang larawan ng dating magkarelasyon.

“Magic was brought in during a trade partners night with Robi Domingo and Gretchen Ho as hosts!

“Thank you for having our Star Magic artists host your event once again!,” caption ng Star Magic sa kanilang post.

Base sa larawan ay nag-host sina Robi at Gretxhen sa Trade Partners’ Night 2023.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa muling pagsasama ng dalawa at pinuri ang mga ito dahil sa pagiging matured at professional.

Baka Bet Mo: Robi Domingo, Maiqui Pineda ikinasal na, Melai humirit: Nakahabol din ako!

“Ang saya lang makita ulit silang magkasama [Robi at Gretchen]. The maturity and being [professional],” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Past is past and they are both happy in their own lives now! Good job.”

Hindi naman mapigilan ng supporters nina Robi at Gretchen ang ma-miss ang dalawa na magkasama lalo na at may kanya-kanya na rin silang buhay matapos ang kanilang relasyon.

“Namiss ko to! grabe ang mature na nila. literal na pinagtagpo pero di tinadhana,” sey naman ng isa.

Matatandaang 2013 nang aminin nina Robi at Gretchen sa madlang pipol ang kanilang relasyon.

Tumagal rin ng halos tatlong taon ang kanilang pagsasama ngunit noong March 2017 ay nagdesisyon ang dalawa na tapusin ang relasyon para pagtuunan ang kani-kanilang career.

Sa kabila nito ay nanatili namang magkaibigan sina Robi at Gretchen.

Sa kayunayan ay masaya si Gretchen at binati ang ex-dyowa nang ikasal ito kay Maiqui Pineda.

Read more...