ISANG araw bago ang inaabangang coronation night ng 71st Miss World pageant, pak na pak na rumampa ang ating pambato na si Gwendolyne Fourniol sa gala dinner ng “Beauty with a Purpose.”
Talaga namang nagningning siya sa suot niyang deep-blue strapless gown.
Sa Instagram, masayang ibinandera ni Gwendolyne ang bonggang look at ayon pa sa kanya ay pakiramdam niya isa siyang prinsesa.
“It was a memorable evening filled with incredible people coming together for a meaningful cause,” caption niya.
Wika pa niya, “Can’t wait to cherish this beautiful dress as a reminder of the wonderful memories created at the event. Remembering the laughter, joy, and generosity shared amongst all who attended – it was an unforgettable experience that I am grateful to have been part of.”
Baka Bet Mo: Knows niyo na ba kung paano suportahan si Gwendolyne sa 71st Miss World?
Sa isa pang IG post, ibinahagi ng tubong Negros Occidental ang ilang pictures kasama ang ilang pageant sisters sa event at kabilang na riyan ang kanyang roommate na si Audrey Vanessa Susilo mula Indonesia.
“Snaps from the Beauty with a Purpose Gala,” lahad niya.
Ani pa niya, “I feel so empowered after hearing all my sister’s causes and their talents, which were showcased on stage.”
For sure na todo paghahanda na ang 112 na mga kandidata dahil ilang oras nalang ay tatanghalin na ang bagong Miss World.
Ang coronation night ay mangyayari sa Jio World Convention Center sa Mumbai, India mamayang gabi, March 9.
Sa pamamagitan ng online poll, pwede nating tulungan si Gwendolyne na maabot ang final round!
Upang maka-secure siya ng top spot, kailangan lang mag-download ng Mobstar app sa Google Play o App Store.
Gumawa kayo ng account at hanapin si Gwendolyne sa mga listahan ng Miss World candidates.
Pindutin ang profile picture ng Philippines representative at i-tap ang “follow.”
Pinapayuhan ang mga tagasuporta na i-like ang bawat post mula sa profile ng ating pambato dahil ang isang “like” ay katumbas ng isang boto para sa Multimedia fast-track competition na isa sa mga pre-pageant challenges.
Kamakailan lang, pasok si Gwendolyne sa iba pang fast-track events kagaya ng “Top Model,” “Head-to-Head,” “Sports,” at “Talent.”
Kung matatandaan, ang original schedule ng 71st edition ng international pageant ay noon pang June 2022 pero ito ay naudlot nang naudlot dahil sa kumakalat na virus ng COVID-19, at iba pang hindi inaasahang pangyayari.
To date, si Megan Young palang ang Pinay na nagwagi ng Miss World title na ginanap sa Indonesia noong 2013.