LIST: Cornerstone artists pak na pak sa achievements sa 1st quarter ng 2024

LIST: Cornerstone artists pak na pak sa achievements sa 1st quarter ng 2024

Yeng Constantino, Elijah Canlas, Deja, TJ Monterde

KAMAKAILAN  lang ay nasulat naming dito sa BANDERA na tila ka-level na ng Cornerstone Entertainment ang talent agency ng ABS-CBN na Star Magic pagdating sa artists na pawang kilala na.

Simula palang ng first quarter ng 2024 ay sobrang daming projects ng Cornerstone artists kaya naman masaya nilang ibinandera ang highlights ng mga ito:

1.) DEJA – Winner of Drag Den Season 2. Siya ang 2nd Drag Supreme! Crowned in New Performing Arts.

2.) YENG CONSTANTINO – ang awiting “KUNG UULITIN” ay napapanood na sa streaming app, sinulat niya ito para sa asawang si Victor Asuncion pagkatapos ng phenomenal hit na “IKAW.”

Isa pang bagong awitin ni Yeng ay ang “BABALA” na lalabas na ngayong Marso at may dropped music video with Macoy Dubs na medyo kontrobersyal ang kanta at maraming makaka-relate rito dahil tungkol ito sa bashers, backstabbers at trolls. At pagkalipas ng 17 years ay pag-aari na ito ni Yeng with her own music catalogue. Mala-Taylor Swift.

Baka Bet Mo: Maine binalikan ang mga bonggang blessing na natanggap noong 2022; Carla ‘simply grateful to be alive’

3.) Si TJ MONTERDE ang super bait na hubby ni KZ Tandingan ay sumasabay na rin sa kanyang wifey. Ang  IT’S NOW TJ’S TIME ay back to back breakthroughs mula 2023 until early 2024. Top 10 most steamed artists on Spotity ang single niyang “Palagi” is now making a big buzz. A smash hit.

Nanalo rin si TJ sa nakaraan bilang “Pop Song of the Year” on Wish Awards 2023 na may 34M streams to date. Ang Korean artist na si 10 CM ay big fan ni TJ at inimbita siya nito sa Korea para manood ng concert nila nitong early February.

Sold-out ang tickets ng concert ni TJ na may titulong “Sariling Mundo” sa loob lamang ng 24 oras at dahil marami pang gustong makapanood ng show ay nag-desisyon ang Cornerstone na gawing dalawang gabi ang show at sa loob lang ng tatlong oras ay sold-out ulit ang day 2.

4.) Mag-diriwang naman ang G22 ng kanilang ikalawang anibersaryo at sa loob lang ng maiksing panahon ay marami nang achievements ang grupo tulad ng pag-imbita sa kanila sa isang show sa China, ang Ride the Wind at paalis sila sa Marso 15 para mag-perform.

5.) Iibahin naman ni ELIJAH CANLAS ang kanyang imahe dahil tapos na siya sa lover boy goody thing image.  Either mamahalin o aayawan siya sa bago niyang karakter bilang Pablo Caballero sa seryeng FPJ’s Batang Quiapo at siya ang bagong kalaban ni Coco Martin.

May pelikula ring true to life movie si Elijah ang “Edjop” na tungkol sa pagiging aktibista kasama ang aktres na si Jodi Sta. Maria.

Bukod dito ay gagawa rin ng single si Elijah under Universal Music Group Phils under Island Records.

6.) Ang P-pop group na VXON ay out na ang much-awaited full length album sa lahat ng music platforms timing bilang selebrasyon ng kanilang ikalawang anibersaryo. Ang mga awiting nasa album ay “Saksak Sa Puso” is on the 19th spot of Spotify’s Viral 50 and Spotify Radar. Viral trend despite the challenge that music is not on TikTok.

Abangan ang part 2 ng Cornerstone artists.

Read more...