‘Kung Fu Panda 4’ pak na pak sa good vibes, swak kahit sa kids at heart
KUNG laughtrip at pampa-good vibes ang hanap mong pelikula, nako, swak na swak ang pinakabagong pelikula ng “Kung Fu Panda.”
Nagbabalik na kasi sa big screen ang Dragon Warrior na si Po at may bitbit siyang isang panibagong adventure!
Punong-puno pa rin ng action scenes ang animated film, pero hindi pa rin mawawala ang mga nakakatawang eksena.
Tiyak na mag-eenjoy hindi lang ang mga bata, kundi pati ang buong pamilya at kids at heart.
Sa bagong movie, level up ang bagong role ni Po matapos siyang itadhana na maging isang “Spiritual Leader” ng Valley of Peace.
Baka Bet Mo: Netizens gusto nang magpaampon kay Heart dahil kay Panda: ‘Payag na rin akong maging pet mo!’
Ang Kung Fu-fighting panda ay binibigyang-buhay muli ng Golden Globe nominee na si Jack Black.
Kwento ng sikat na Hollywood actor, “When Po steps into the shoes of Spiritual Leader, you get to see his whole internal struggle,”
Dagdag pa ni Jack, “He has the Staff of Wisdom, but he’s scratching his head wondering if he knows anything about wisdom at all. This chapter is like Po’s mid-kung fu-life crisis. More wisdom, fewer dumplings, but the same lovable Po.”
Mapapanood din na may mga bagong karakter sa animated film at kabilang na riyan ang corsac fox na si Zhen at ang lider ng Den of Thieves na si Han.
Narito ang bahagi ng synopsis na inilabas ng Universal Pictures:
“After three death-defying adventures defeating world-class villains with his unmatched courage and mad martial arts skills, Po, the Dragon Warrior is called upon by destiny to… give it a rest already. More specifically, he’s tapped to become the Spiritual Leader of the Valley of Peace.
“But a wicked, powerful sorceress, Chameleon, a tiny lizard who can shapeshift into any creature, has her greedy, beady little eyes on Po’s Staff of Wisdom, which would give her the power to re-summon all the master villains whom Po has vanquished to the spirit realm.”
Maliban kay Jack, star-studded ang mga voice artists kung saan tampok ang mga boses din nina Viola Davis, Awkwafina, Dustin Hoffman, James Hong, at marami pang iba.
Ang “Kung Fu Panda 4” ay kasalukuyan nang mapapanood sa lahat ng lokal na sinehan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.