WILLIE nabwisit kay MERYLL kaya nagbebenta ng mga ari-arian | Bandera

WILLIE nabwisit kay MERYLL kaya nagbebenta ng mga ari-arian

Ambet Nabus - November 02, 2013 - 03:00 AM


GAANO kaya katotoo kapatid na Ervin na may mga negosyanteng Intsik na nakabili na ng Will’s Events Place property ni Willie Revillame?

Ilang linggo na rin naming naririnig ang tsikang ito hanggang sa may mga viewers/listeners ang aming programa sa DZMM Teleradyo na nagtanong at nagbigay ng ilang kuwento tungkol sa isyu.

Ayon sa mga tsismis, dahil sa nawalan na ng show ang kilalang TV host, kaya raw minabuti na lang nitong magbawas ng kanyang mga properties at isa nga diyan ang naturang events place.

May tsika naman na noon pa pala planong i-dispose ito ng TV host dahil sa wala umano itong mapagkakatiwalaan para mag-manage ng lugar. Kesa raw malugi pa, mabuti na lang daw na ibenta habang may mga intesadong bumili.

Well, kung ang pagbabasehan namin ang mga recent interviews ng anak ni Willie na si Meryll Soriano, mukhang ang ikalawang tsismis ang may bahid ng katotohanan.

Nasabi kasi ni Meryll na kaya raw sila nagkaroon ng tampuhang mag-ama ay dahil nga sa nag-beg off siya na pamahalaan ang mga negosyo nito.

Wala pa tayong naririnig na anumang pahayag mula kay Willie, pero kung totoo nga ito, wala naman kaming nakikitang masama lalo pa’t sa estado niya ngayon, afford na afford niya ang magbuhay-hari at mag-relax at ilayo ang sarili sa stress at problema.

Higit sa lahat, dapat lang sigurong ie-enjoy niya ang kanyang mga yaman habang keri pa niyang humalakhak ng wagas, di ba?

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending