Taylor Swift may exclusive concert deal sa Singapore
INAMIN ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong nitong na nagbigay siya ng incentive kay Taylor Swift para masigurong sa Singapore lang magaganap ang kanyang Eras Tour sa Southeast Asia.
Ayon sa prime minister, hindi naman daw “hostile act” ang ginawa nilang deal sa mga kapitbahay na bansa sa Southeast Asia.
“(Our) agencies negotiated an arrangement with her [Taylor Swift] to come to Singapore and perform and to make Singapore her only stop in Southeast Asia,” saad ni Prime Minister Lee sa isang press conference sa Melbourne, Australia.
“There was a certain incentives provided to her from out tourism development fund…to revive tourism after COVID and a deal was reached,” pagpapatuloy niya.
Baka Bet Mo: Kathryn pinatamaan si Daniel sa kanta ni Taylor Swift tungkol sa balikan?
View this post on Instagram
Kasalukuyan nasa Australia si Lee pati na rin ang iba pang Southeast Asian leaders para dumalo ng summit kasama ang mga Asean at Australian leaders.
Dagdag pa niya, “It has turned out to be a very successful arrangement. I don’t see that as being unfriendly.”
Aniya, may mga pagkakataon talaga na gumagawa ng deal ang isang bansa gaya na lang ng negosasyon nila ni Taylor Swift para sa kanilang bansa. Ang kanilang goal ay maibalik ang turismo sa kanilang bansa.
Natapos na ang unang tatlong araw ng Eras Tour concert ni Taylor noong March 2,3, at 4. Muling magaganap ang concert sa March 7,8, at 9 na gaganapin pa rin sa National Stadium, Marina Bay Sands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.