9 pelikula ni Jaclyn Jose na tumatak sa Pinoy; bakit nagpa-sexy?

9 pelikula ni Jaclyn na tumatak sa Pinoy; bakit pumayag sa sexy films?

Ervin Santiago - March 06, 2024 - 08:59 AM

9 pelikula ni Jaclyn na tumatak sa Pinoy; bakit pumayag sa sexy films?

Jaclyn Jose

NEVER ikinahiya ni Jaclyn Jose ang mga ginawa niyang bold movies noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz industry.

Taong 1984 nang unang mabigyan ng big break si Jaclyn sa pelikulang “Chicas” na sinundan ng “Escort Girls” (1985). Hanggang sa makuha niya ang atensiyon ng iconic director na si Lino Brocka at kinuhang magbida sa “White Slavery” (1985).

Kasunod nito, nalinya na nga sa pagpapa-sexy ang aktres hanggang sa pumayag siyang gawin ang “Private Show” kung saan gumanap siya bilang isang torera.

Pero sa pelikulang “Takaw Tukso” nakuha ni Jaclyn ang kauna-unahan niyang best actress trophy mula sa Urian Awards na ipinalabas noong 1987, ka-tie ang veteran actress na si Pilar Pilapil.

Baka Bet Mo: Zeinab nahirapan sa first-ever acting project: Talagang puyat-puyat ako rito, hinati-hati ko na ‘yung katawan ko…

Sa tanong kung paano siya napapapayag na gawin ang mga mapangahas na roles noon, “Dapat kasi palaging may social relevance.”

Narito ang ilan sa mga pelikula ni Jaclyn Jose na nagmarka sa kasaysayan ng Philippine movie industry.

Take Tusk

TAKAW TUKSO (1987)

Nakasama ni Jaclyn dito sina Anna Marie Gutierrez, Julio Diaz at Gino Antonio mula sa direksyon ni William Pascual. Umikot ang kuwento nito sa dalawang magkarelasyon na matutuksong gumawa ng mga bagay na hindi pa nila natitikman.

Private Show

PRIVATE SHOW (1984)

Nakasama niya uli dito si Gino Antonio where she played Myrna, isang performer sa mga live sex shows na tinatawag na torera.

Ito’y mula sa direksyon ni Chito Roño kung saan na-nominate si Jaclyn sa  FAMAS Awards at Star Awards for Movies for best actress.

White Slavery

WHITE SLAVERY (1985)

Directed by Lino Brocka, she played the role of Linet in the story, isa sa mga mahihirap na babaeng promdi na napadpad sa Maynila at nabiktima ng sindikato at isinabak sa sex trade.

Ka-join din sa movie sina Sarsi Emmanuelle, Emily Loren, Jaclyn Jose, Patrick Dela Rosa at Ricky Davao.

Olongapo

OLONGAPO: THE GREAT AMERICAN DREAM (1987) 

Isa rin ito sa mga pelikulang ipinagmamalaki ni Jaclyn mula kay Direk Chito Roño. Gumanap siya rito bilang si Raquel, na nagtatrabaho bilang hostess sa isang bar sa Olongapo na umaasang matutupad ang pangarap niyang makapunta sa Amerika.

Itanong Mo Sa Busan

ITANONG MO SA BUWAN (1988)

Muling nakatrabaho rito ni Jaclyn si Direk Chito Roño na ang tema ay “bank robbery gone wrong.” Dito unang nakatambal ng aktres si Mark Gil, ang tatay ng anak niyang si Andi Eigenmann.

Macho Dancer

MACHO DANCER (1988)

Agaw-eksena sa obra na ito ni Lino Brocka si Jaclyn dahil kahit na ang pinakabida rito ay ang nagsisimula pa lamang noong si Allan Paule bilang macho dancer sa gay bar, nagmarka rin siya as Bambi sa kanyang mga pasabog na linyahan at aktingan.

Flor Contempacion

FLOR CONTEMPLACION (1995)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Supporting role si Jaclyn sa obrang ito ni Joel Lamangan na pinagbidahan ng Superstar na si Nora Aunor. Proud din dito ang yumaong aktres dahil nakatrabaho niya si Ate Guy.

Gumanap siya rito as Neneng, ang kabit ng asawa ng karakter ni Nora na isa namang OFW sa Singapore na na-convict at hinatulan ng kamatayan dahil sa pagpatay sa kapwa OFW at sa isang 4-anyos na batang lalaki.

Nagwagi siya rito bilang Best Supporting Actress mula sa Gawad Urian at Luna Awards.

Ma' Rosa

MA’ ROSA (2016)

Isa itong Filipino drama film directed by Brillante Mendoza kung saan muli niyang nakasama si Julio Diaz na gumanap bilang asawa niya. Umikot ang kuwento nito sa isang pamilya na sangkot sa bentahan ng ilegal na droga.

Dito napanalunan ni Jaclyn ang makasaysayan niyang Best Actress award mula sa 2016 Cannes Film Festival. Siya ang first Filipino ans Southeast Asian actress na nakapag-uwi ng nasabing tropeo.

Patay Na Si Hesus

PATAY NA SI HESUS (2016)

Isa naman itong comedy film tungkol sa  naging journey ng isang nakakalokang family mula sa Cebu para um-attend ng burol ng kanilang padre pamilya na si Hesus. Nakasama niya rito sina Chai Fonacier at Miles Canapi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending