Lolit Solis: ‘Pag talagang oras mo na, wala ka nang magagawa

Lolit Solis: 'Pag talagang oras mo na, wala ka nang magagawa

NAGKAROON ng realization ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis sa biglaang pagkamatay ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose.

Sa kanyang latest Instagram post ay ibinandera niya sa madlang pipol ang kanyang mga napagtanto sa buhay.

“Salve siguro nga dapat lahat maingat lalo pa ‘pag medyo may edad ka na. Iyon bang gaya ng nangyari kay [Jaclyn] Jose na nadulas at inatake sa puso. Imagine mo na dahil wala siyang kasama sa bahay kaya wala tuloy nakatulong ng mangyari ang sakuna,” pagbabahagi ni Lolit.

Pero sa tingin niya ay kahit anong ingat ng isang tao, kapag oras na niya, hindi ito mapipigilan.

“Pero siguro nga kahit ano pang pag-iingat ang gawin mo ‘pag talagang oras mo na, wala ka nang magagawa. Anumang bagay basta gusto nang kunin sa iyo, wala ka nang magagawa,” saad pa ni Lolit.

Dagdag pa niya, dapat raw ay handa tayo anytime na kunin na sa atin ng Panginoon ang hiram nating buhay.

Baka Bet Mo: Hindi kasalanan ni Bea kung ‘di nagtatagal ang mga relasyon niya — Lolit Solis

Lahad ni Lolit, “Ang buhay natin hiram lang sa langit. Kaya wala tayong magagawa kung gusto nang kunin ni Lord.

“Pasalamat tayo sa hiram nating buhay. Anumang mangyari dapat handa tayo lalo na spiritually. Acceptance sa anumang bagay ang importante sa buhay.”

Sey pa ni Lolit, dapat rin daw ay tanggap natin kung anuman ang itinakda para sa atin.

“Tanggapin natin ang anuman ibibigay sa atin ng langit. Kaya Salve at Gorgy, anuman mangyari tanggapin natin.

Dahil kung anuman bigay ng tadhana, iyon na ang talagang para sa atin. Bongga,” ani Lolit.

Matatandaang ikinagulat ng madlang pipol ang biglaang pagkawala ng batikang aktres nitong March 2, 2024 matapos itong atakihin sa puso.

Read more...