Dominic Roque kay Deo Endrinal: ‘Ikaw ang nagbigay ng break sa ‘kin’

Dominic Roque kay Deo Endrinal: 'Ikaw ang nagbigay ng break sa 'kin'

PHOTO: Instagram/@dominicroque

MAY pahabol na pakikiramay ang aktor na si Dominic Roque sa namayapang ABS-CBN Dreamscape Entertainment Head na si Deo Endrinal.

Sa Instagram, ibinandera ni Dom ang throwback and recent pictures nilang dalawa.

Caption niya sa post, “Didn’t get the chance to post these photos when Sir Deo passed away [folded hands emoji].”

“Sir Deo, thank you for everything, madaming makakamiss sayo, dahil mabait kang tao, masaya ka kasama at marami pang iba,” mensahe niya.

Baka Bet Mo: Angel nagparamdam sa burol ni Deo Endrinal, tanong ng netizens: Saan ka?

Nabanggit din niya na si Deo ang dahilan kaya nakilala siya at sumikat sa showbiz industry.

“Maraming salamat dahil ikaw din ang nagbigay ng break sakin sa showbiz sa Aryana teleserye… Rest in Peace [white heart emoji],” ani ng aktor.

Sa comment section, maraming netizens ang nagpaabot din ng kanilang pagluluksa para sa dating boss ni Dom.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming: 

“Love how grateful of a person you are kahit matagal na naaalala mo parin ang mga taong pinagkaurangan mo ng loob! Kaya ka na blessed at mas mabbless pa! We love you @dominicroque [red heart emojis].” 

“Such a beautiful photo Dom [red heart emojis] Rest In Peace Sir Deo [dove, white heart, folded hands emojis]” 

“My heartfelt condolences. I hoping your next post is your wedding with Ms B.” 

“Godbless your pure heart @dominic roque [red heart emojis] May Sir Deo RIP [folded hands emoji]” 

Noong February 3 nang sumakabilang-buhay si Deo sa edad na 60.

 Ang kanyang anak na si PJ Endrinal ang mismong nagkumpirma sa malungkot na balita.

Ibinurol ang kanyang labi sa Heritage Park sa Taguig at ang inurnment ay naganap noong February 8.

Read more...