Jaclyn Jose pumanaw na sa edad 60; mundo ng showbiz nagluluksa

Jaclyn Jose pumanaw na sa edad 59; mundo ng showbiz nagluluksa

Jaclyn Jose

PUMANAW na ang premyadong aktres na si Jaclyn Jose sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City. Siya ay 60 years old.

Wala pang inilalabas na mga detalye ang pamilya ni Jaclyn hinggil sa tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Naglabas ng official statement ang talent management ng aktres na PPL Entertainment ngayong gabi hinggil sa nangyari.

“It saddens us to inform everyone of the untimely passing of Miss Jaclyn Jose (real name Mary Jane Guck).

“More details will be shared as soon as they are available.

“The Guck and Eigenmann families are requesting for everyone to please pray for the eternal repose of Miss Jaclyn Jose and for them to be allowed the respect and privacy to mourn her passing, and navigate these difficult times.”

Pero habang sinusulat namin ang balitang ito ay nagdatingan na ang mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives o SOCO sa lugar kung saan natagpuang patay ang beteranang aktres.

Base sa mga nakalap naming balita mula sa mga taong nakatira sa kaparehong village kung saan naninirahan ang aktres ay sarado at may yellow tape nang nakalagay sa magkabilang dulo ng kalye.

Baka Bet Mo: Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

Ang kuwento sa amin ng tagaroon base sa narinig niyang usapan, “Kahapon pa pala patay si Jaclyn, nu’ng nagdatingan na ang mga pulis nangingitim na siya.”

Say naman ng isa pang kausap namin, “Nagpaalam ‘yung katulong niya nag-day off kaya mag-isa siyang naiwan sa bahay. Ang hirap pag nag-iisa sa bahay lalo na kung may edad na.”


Nakita naman ng mga taong nasa scene of the crime na dumating na si Coco Martin, ang director at producer ng seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan kasama si Jaclyn bilang si General Dolores Espinas na namamahala sa kulungan.

Namataan din si Cherry Pie Picache sa lugar at kausap si Coco at ang iba pang naroon sa bahay.


Samantala, nu’ng ibalita sa aming “patay na Jaclyn” kaninang 8:15 ng gabi ay nagsabi pa kaming nabaril lang sa riot sa “Batang Quiapo”.

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose biktima rin ng hacking, nagbabala sa publiko: Please huwag paloko

Sinagot kami ng aming kausap na napamura pa, “Hindi ito promo!”

Nataon kasing umere ang eksenang nabaril at nasa hospital si Jaclyn na ipinakitang buhay pero baka kasi nagkaroon ng kumplikasyon kaya natuluyan sa nasabing eksena.

Hanggang sa tuluy-tuloy na ang kuwento ng aming kausap na nadulas nga raw ang aktres.

Si Jaclyn Jose o Mary Jane Santa Ana Guck sa tunay na buhay. Nagsimula ang kanyang showbiz career noong unang bahagi ng dekada 80 at mabilis na nakilala sa kanyang talento sa pag-arte. Sa paglipas ng mga taon, lumabas siya sa maraming pelikula at palabas sa telebisyon.

Ilan sa mga nagawa niyang pelikula ay ang “Private Show” (1985), “White Slavery” (1985), “Itanong Mo Sa Buwan” (1988), “Machete II” (1994), “Sarong Banggi” (2005), at “Ma’ Rosa” (2016). Sa telebisyon lumabas siya sa “The Legal Wife” (2014), “Maalaala Mo Kaya,” at “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Ang kanyang pagganap sa “Ma’ Rosa,” na idinirek ni Brillante Mendoza, ay nagbigay sa kanya ng Best Actress award sa Cannes Film Festival.

Si Jaclyn ay ina rin ng aktres na si Andi Eigenmann, na nakasama rin niya.sa ilang mga proyekto.

Read more...