Kristine, Oyo aprub sa malaking pamilya: Parang laging may party!

Kristine, Oyo aprub sa malaking pamilya: Parang laging may party!

PHOTO: Instagram/@khsotto

“MAINGAY, Happy riot, and parang laging may party!”

Ganyan inilarawan ng celebrity couple na sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto ang malaki nilang pamilya matapos makapanayam ng Modern Parenting Philippines.

Para sa mag-asawa, nagsisilbing “entertainment” ang bonding ng kanilang pamilya dahil sa dami nila at ito raw ang ultimate gift na kanilang pinapahalagahan.

“Meron ka laging someone that you can call on kasi ako I grew up in a small family, [si Oyo] big family ever since so sanay siya doon. Kaya noong naging part ako ng family nila, I’m always excited kasi ang daming kausap,” sey ni Kristine.

Dagdag niya, “Entertainment para sakin ‘yun just by watching them talking to each other. Nae-entertain talaga ako saka hindi ka nauubusan.”

Baka Bet Mo: Kristine: Grabe pala talaga ang sakripisyo ng mga ina kaya mas na-appreciate ko pa ang lahat ng nanay sa mundo

“If the other one is not at home, for sure, may isa jan na you can talk to,” ani pa niya.

Nabanggit din ng aktres na mas masaya siya kapag marami siyang nakakasama, lalo na ang kanyang pamilya.

“Ayun siguro ‘yung masarap na feeling kapag maraming kapatid,” sambit niya.

Paliwanag niya, “Gusto ko ‘yung marami akong nakikita around the house. Gusto ko ‘yung surrounded ako by family. ‘Yung different noises, for as long as masarap pakinggan.”

Nakwento naman ni Oyo na lagi niyang pinapaalala sa mga anak na maswerte sila sa isa’t-isa.

“Parang ganon rin, masaya. Kapag nakikita ko ‘yung mga bata lagi ko sinasabi sa kanila, ‘You’re so blessed ang dami ninyo…Kasi kayo lang rin mag-stick together, kayo lang rin ‘yung magtutulungan’,” chika ng aktor.

Sa ngayon, may limang anak na ang mag-asawa at madadagdagan pa ‘yan dahil ipinagbubuntis ni Kristine ang ika-anim na anak nila ni Oyo.

Magugunita na noong nakaraang buwan lamang nang masayang inanunsyo ng couple ang magiging latest addition ng kanilang pamilya.

Ang bunsong anak ng dalawa ay si Vittorio Isaac na magtatatlong taon na sa darating na Agosto.

Ang iba pa nilang anak ay sina Kiel-16, Ondrea Bliss-13, Kaleb Hans-10, at Marvic Valentin-8.

Read more...