HINDI naging problema para kay Jake Ejercito ang pagkakaroon ng “stepdad” ng anak na si Ellie.
Sigurado kasi si Jake na inaalagaang mabuti ng celebrity surfer na si Philmar Alipayo ang unica hija nila ni Andi Eigenmann.
Noong March 1, nag-open up ang aktor tungkol sa co-parenting setup nila ng dating partner sa isang interview vlog kasama ang showbiz insider na si Ogie Diaz.
At diyan niya inihayag ang kanyang pasasalamat sa current partner ni Andi bilang isang mabuting ikalawang tatay ni Ellie.
Pero bago ‘yan, ibinunyag ni Jake na si Ellie na ang nasusunod pagdating sa kung kanino siya sasama.
Baka Bet Mo: Jake kay Ellie: I have no choice but i-spoil siya kasi minsan lang kami magkasama
“Nowadays, since they moved to Siargao, wala nang fixed schedule,” sey niya.
Chika niya, “Dati kasi dito, binibilang pa namin ni Andi ‘yung mga araw—back then we were young, immature, prideful. Pero ngayon naman, si Ellie na ‘yung nagde-decide.”
Kasunod niyan ay inusisa ni Ogie kung gaano kadalas sila nag-uusap ng dating partner.
Ang sagot ng aktor, “When needed.”
“We’re not the best of friends pero para kay Ellie, syempre we want what’s best for her. Ang pinapag-usapan namin mostly is about her education, medical stuff sa health niya, anything for Ellie,” sambit niya.
Dagdag pa niya, “Open communication—I think that’s what’s important sa co-parenting.”
Inilarawan din ni Jake si Philmar bilang mabait at magalang bilang nakakasama niya ito sa tuwing bibisita siya sa Siargao.
“Si Philmar, I’ve met him several times ‘pag pumupunta akong Siargao… Nakakapunta ako ng bahay nila pero not to the fact naman na bonding kami,” kwento niya.
Patuloy niya, “Thankful lang din ako sa kanya kasi syempre si Ellie nakatira sa bahay nila and, as a stepfather, I’m sure inaalagaan niya rin si Ellie.”
Sinabi rin ng aktor na never pang nagrereklamo si Ellie pagdating sa kanyang stepdad.
Kaya naman, kampante raw siya na nasa mabuting kamay ang kanyang anak kapag ito’y wala sa kanyang piling.
“Very grateful ako na ganun, ni hindi ko siya iniisip or pino-problema,” lahad ni Jake.
Ani pa niya, “I’m sure na Ellie is in good hands kay Philmar, and for that, talagang nagpapasalamat ako.”
Samantala, maliban kay Ellie, may dalawang anak sina Andi at Philmar na sina Lilo at Koa.