Bea na-shock sa pasabog ng nanay, stepdad, kapatid at sister-in-law sa 'compatibility game' | Bandera

Bea na-shock sa pasabog ng nanay, stepdad, kapatid at sister-in-law sa ‘compatibility game’

Reggee Bonoan |June 15,2021
facebook
share this

Bea na-shock sa pasabog ng nanay, stepdad, kapatid at sister-in-law sa ‘compatibility game’

Reggee Bonoan - June 15, 2021 - 05:54 PM

ALIW ang “compatibility game” sa latest vlog ni Bea Alonzo kung saan naki-join ang kanyang Mommy Mary Ann Anne Ranollo at stepdad na si Dondon pati na ang sister-in-law niyang si Thalia na asawa ng kapatid niyang si James.

Sixteen years nang kasal ang mommy at stepdad ni Bea kaya tinanong niya kung ano ang recipe sa long lasting relationship nila.

“Communication of course, trust and respect,” sabi ng nanay ng aktres na sinegundahan naman ng ikalawang ama.

Sabi pa ni Bea, “Saka hindi sila naghihiwalay (nag-aaway), unbreakable ang kanilang bond.”

“Kasi nag-start kami as friends,” sambit ng ina.

“Yun nga, marry your bestfriend ang drama n’yo?” reaksyon ng dalaga.

Ano naman ang sikreto nina James at Thalia na 2013 pa raw magkakilala (noong high school pa) at tatlong taong naging magdyowa at magdadalawang taon na ngayong kasal. Si Thalia ay anak ng komedyanteng si Bayani Agbayani.

“Dapat lagi mo akong crush,” ang nakatawang sabi ni James sa tanong ng ate niya kung ano ang siktreto ng pagsasama nila ni Thalia.

Opposite attracts each other naman ang drama ng kapatid ni Bea at ng asawa nito.

Saan ang kiliti nina Honey (tawagan ng magulang ni Bea) at Love (tawagan naman ng kapatid niya at hipag niya)? Bewang, leeg o batok ang kina Thalia at James habang sa nanay at stepdad ni Bea ay kili-kili at leeg.

Sa tanong na first date ay talo ang magulang ng aktres dahil hindi pareho ang sagot nila kaya nilagyan sila ng pulbos sa noo.

Inalaska ni Mommy Mary Anne ang manugang sa tanong kung ano ang pangalan ng ex-girlfriend ng anak nitong si James. “Many to mention,” nakatawang sagot ni Thalia.

“Grabe anak, parang poging-pogi ka sa asawa mo ah,” hirit ng nanay nina Bea at James dahil aminado nga ang ina na hindi kaguwapuhan ang anak.

Si Bea naman ang sumunod na nang-asar sa kapatid niyang si James dahil ang mga crush pala ng hipag niya ay sina Jake Cuenca at Enrique Gil na parehong mestizo.

“Oo nga, mga mapuputi, anong nangyari (sabay turo kay James)?” birong tanong ni Bea kay Thalia.

Saan matatagpuan ang nunal nina James at Dondon na hindi nakikita ng tao? Humirit ang una na huwag nang banggitin dahil censored. Sabi naman ng nanay ni Bea na lahat sila may ganu’n (nunal).
“Paano mo naman nalaman?” tanong ni James sa ina.

“May ganu’n din ang papa mo,” mabilis na sagot ng mama ng magkapatid.

Ano ang paboritong parte ng katawan nina Mommy Mary Anne at Thalia sa kanilang mga asawa.

“Honey alam mo ito, lagi kong hinahaplos sa ‘yo,” pa-cute na sabi ng ina ng aktres na ikinaloka ni Bea na inakalang censored, pero dibdib pala.

Naloka ang nanay ng magkapatid ng isagot nina Thalia at James na, “Pwet.”
“Thalia, my God!” reaksyon ni mommy Mary Anne na ayon sa anak niya ay lagi raw pinipindot ang pwet niya ng asawa niya.

At ang paboritong parte ng katawan naman nina Dondon at James sa mga asawa nila, “Honey ito ang paborito mo na lagi mong sinasabi kaya mo ako nagustuhan — breast (boobs),” sambit ng nanay ni Bea na tama rin ang sagot ni Dondon.

Magkaiba naman ang sagot nina Thalia at James na leeg at bewang.

“Obviously walang nanalo sa game na ito, show your faces sa camera (puro pulbos). Wala pong nanalo sa compatibility game na ito,” nakatawang sabi ng aktres.

Pero ang payo ng magulang nina James at Bea, “Ang importante nagmamahalan kayo at huwag matutulog nang magkaaway.”
Hirit naman ni Thalia, “Kaya pala lagi tayong puyat kasi lagi tayong nag-aaway.”

“Mahaba lagi ang pag-uusap,” sagot naman ni James sa asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Puro positibo naman ang halos lahat ng nabasa naming komento na bilib sila sa magandang samahan ng miyembro ng pamilya ni Bea na masaya, simple lang at walang pretensyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending