Carla 15 years na sa GMA: Gusto pa ba nila ako? Iri-renew pa ba ‘ko?

Carla sa 15 years na sa GMA: Gusto pa ba nila ako? Ire-renew pa ba 'ko?

Carla Abellana

KINUWESTIYON ni Carla Abellana ang kanyang kakayahan bilang artista at umaming medyo napraning din kung  gusto pa ba siya ng GMA 7.

Kaya naman feeling “relieved” ang aktres at TV host nang muli siyang papirmahin ng exclusive contract ng GMA Network kamakailan.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ni Carla ang 15 years niya bilang isang loyal Kapuso at abot-langit ang pasasalamat niya sa mga bossing ng GMA sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang aktres.

Baka Bet Mo: Pokwang minsan na ring kinuwestiyon si Lord: Sabi ko sa Kanya, bakit Mo ginawa sa akin ‘to?

“Ang bilis dumadaan ng panahon at kahit ako rin, hindi ako makapaniwala na 15 years na,” ang chika ni Carla sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.

“Hindi naman kasi ako nagbibilang, eh (ng taon). And wow! Ganu’n na ako katagal. As in, solid Kapuso!” aniya.

Sa naturang panayam, nabanggit nga ni Carla na may pagkakataon na nakakaramdam din siya ng doubt o pag-aalinlangan sa kanyaang sarili bilang artista.

“Kahit sino namang artista, you are not assured of anything for the rest of your life.


“Dadating talaga sa point makukuwestiyon mo in a way. ‘Gusto pa ba nila ako? Ire-renew pa ba ako ng GMA?’ Lalo na kapag naghihintay ka,” pahayag ni Carla.

“Hangga’t walang signing, walang kontrata, may times natatanong mo ‘yun, nakukuwestiyon mo ‘yun. Kinakabahan ka rin at some point,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Carla Abellana natawa sa ginawa ng BBM supporters sa tapat ng bahay niya

At nang bigyan uli siya ng exclusive contract ng GMA, “Relieved siyempre. Given na ‘yung grateful, given na ‘yung happy and excited. Pero more of talagang relieved.

“That’s why relieved ‘yung aking pinakanararamdaman. Kasi nabigyan ng assurance na they still trust me, they still believe in me and puwede pa akong magpatuloy,” sabi ng ex-wife ni Tom Rodriguez.

In fairness, hindi pa natatapos ang pinagbibidahan niyang GMA Afternoon Prime series na “Stolen Life” kasama sina Gabby Concepcion at Beauty Gonzalez ay may kasunod na agad siyang project.

Makakasama niya si Bea Alonzo sa upcoming Kapuso series na “Widow’s War,” na spin-off ng GMA murder mystery series na “Royal Blood” at “Widow’s Web.”

Read more...