Vice sa mga lalaking irereto kay Kim: Hindi pwedeng basta-basta lang!

Vice sa mga lalaking irereto kay Kim: Hindi pwedeng basta-basta lang!

Vice Ganda at Kim Chiu

NAGING sentro na naman ng tuksuhan si Kim Chiu sa isang episode ng “EXPecially For You” segment ng “It’s Showtime”.

Mukha kasing relate much ang dalaga nang alalahanin ng dating magdyowa na sina Trisha at Lester ang naging dahilan ng kanilang breakup.

Sa naging chikahan ng mga “It’s Showtime” host, nabanggit ni Vice Ganda ang tungkol sa “silent qutting” o ang unti-unting pag-iwas ni Lester sa kanyang ex-grilfriend na si Trisha hanggang sa mauwi na nga sa hiwalayan.

“Palaging sinasabi ng mga boys ‘yun, na hindi nila kayang makipag-break talaga kaya naghihintay lang talaga sila. Ilang beses ko nang narinig dito ‘yan e, na ‘hindi kasi lalaki ako, hindi ko kayang makipag-break,’ kaya sina-silent quit nila ‘yung relasyon,” sey ni Vice.

Baka Bet Mo: Kim super proud sa pinagdaanang pagsubok: My gosh, naka-frame na po lahat ng mga balita! Chos!

“Silent quitting, ‘yung parang ikaw ‘yung nauna pero pinaramdam mo sa kaniyang wala ng kuwenta to eh. Silent quitting,” aniya pa.


Hirit naman ni Kim, “Tapos sasabihin nila, ‘Sino nakipaghiwalay? Ako ‘yung hiniwalayan, eh. Ganu’n!”

“Ikaw ang victim,” sabi naman ni Vice kay Kimmy.

“Oo, ganu’n! Ganun ‘yun, Lester?” sey naman ni Kim.

“Pero sino ba ang nakipaghiwalay?” ang balik-tanong ni Vice sa aktres.

“Saan?” ang tila magmamaang-maangang tanong ni Kim.

“Kim, sila ‘yung guest,” ang tili ni Vice.

Baka Bet Mo: Paolo Gumabao: Mahal na mahal ko ang stepfather ko kasi grabe yung pagtanggap niya sa akin…

“Sina Trisha at Lester ang guest, Kimmy,” ang sabay na hirit nina Vhong at Karylle.

“Kimmy, gusto mo ba mag-guest dito?” ang birong tanong ni Vhong.

Pagsingit ni Vice, nagbiruan nga raw sila ni Kim tungkol sa pag-upo nito bilang searcher sa “EXPecially For You”, “Kapag lagi siyang absent, tini-text niya ako, ‘Ma, pasensya ka na wala na naman ako bukas. Pero huwag ka mag-alala, mag-guest ako sa ‘EXpecially for You.'”

“Sa birthday ko, hindi ako magpo-prod kung ikaw ang guest, whole day episode. Hindi, joke lang,” aniya pa.

Naki-ride naman si Kim sa tuksuhan at tinanong sa mga co-host kung sino ang mga ilalagay nila sa likod ng kurtina na maaari niyang pagpilian.

“Hahanap kami ng mga pasabog na ganyan, mga anak ng business tycoons, siyempre kailangan mga achievers rin, ‘yung may ipagmamalaki. Hindi puwedeng basta-basta kay Kim Chiu. Kim Chiu is such a powerful woman.

“‘Yung may sapat siyang pagkatao na hindi niya ikaka-insecure ang mga nangyayaring tagumpay ni Kim Chiu,” ang chika ni Vice.

“Ganu’n ba ‘yun? Pag-isipan ko muna ha,” ang natatawang sabi naman ni Kimmy.

Read more...