INARESTO ulit ng Manila Police District ang controversial drag artist na si Pura Luka Vega ngayong araw, February 29.
Ibinalita ito mismo ng “Drag Den” director na si Rod Singh sa pamamagitan ng kanyang X (dating Twitter) account.
Ayon sa post ni Rod, nag-isyu ng warrant of arrest ang Quezon City court ng tatlong kasong paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code.
Dahil pa rin ito sa kanyang nag-viral na “Ama Namin” performance.
“This stemmed from a complaint filed against them by three churches affiliated with the Philippines for Jesus Movement,” saad sa post ng direktor.
Baka Bet Mo: Pura Luka Vega humarap na sa korte, giit pa niya: ‘Drag is NOT a crime…This is hate!’
“The recommended bail is 360,000 pesos,” wika pa sa post.
Nabanggit din sa caption na magkakaroon ng donation drive para makapagpiyansa si Pura Luka at ito raw ay aasikasuhin ng drag performer at first-ever Grand Winner ng “Drag Den Philippines” na si Brian Black o mas kilala bilang si NAIA.
“To those who would like to help Luka for their bail and legal fees, NAIA @brianblack_ will handle the donation drive,” caption ni Rod.
Regarding the arrest of Pura Luka Vega today.
To those who would like to help Luka for their bail and legal fees, NAIA @brianblack_ will handle the donation drive. #DragIsArt #DragIsNotACrime pic.twitter.com/OirKIGl1G7
— rod singh #DragDenPHS2 on Prime Video (@iamrodafrog) February 29, 2024
Kung matatandaan, October last year nang arestuhin ng mga pulis si Pura Luka sa kanyang tinitirahan sa Sta. Cruz, Manila.
Kaugnay ito sa mga kasong paglabag sa Immoral Doctrines Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows (2)(B)(3) AND (2)(3)(5) of Revised Penal Code Article 201 na may piyansang P72,000.
Ang pagkakahuli noon kay Pura Luka ay nag-ugat sa kasong isinampa naman ng mga deboto ng Black Nazarene, ang “Hijos del Nazareno.”
Dati nang nanindigan ang drag queen na wala siyang masamang ginawa at hindi niya intensyon ang kutyain ang paniniwala ng mga tao.
“My intention was never to mock. I also would not like to invalidate their feelings. If they feel hurt or they feel offended, it’s their right to feel such,” sey niya.
Matatandaang nag-viral ang kanyang video na nagpe-perform gamit ang kantang “Ama Namin” na nakasuot ng damit ng Itim na Nazareno.
Lantarang kabastusan daw sa simbahan ang ginawa ni Pura Luka, ayon mismo sa ilang religious leaders kaya dapat siyang maparusahan.