‘Dune: Part Two’ mas intense ang bakbakan, magpapakilig din

‘Dune: Part Two’ mas intense ang bakbakan, magpapakilig din

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

KWENTO ng pag-ibig at paghihiganti ang masisilayan sa bagong kabanata ng award-winning film na “Dune.”

Makalipas ang dalawang taon, palabas na sa mga lokal na sinehan ang “Dune: Part Two” na continuation ng naunang pelikula.

Sumesentro ang istorya nito sa nabuong love story nina Paul Atreides at Chani na ginagampanan ng Hollywood stars na sina Timothée Chalamet at Zendaya, respectively, pati na rin sa nakatakdang paghihiganti ni Paul matapos ubusin ng tinatawag nilang “emperor” ang kanyang mga ka-lahi.

Kumpara sa naunang “Dune,” mas intense at mas maaksyon ang mga eksena na masasaksihan sa bagong pelikula.

Ibang level din ang storyline nito na talaga namang halos hindi ka na makahinga dahil sa mga fighting scenes na makikita.

Baka Bet Mo: Saksihan ang kakaibang adventure ng storm chasers sa movie na ‘Twisters’

Ayaw naman namin i-spoil ang buong kwento nito, pero heto ang inilabas na synopsis ng Warner Bros. Pictures:

“‘Dune: Part Two’ will explore the mythic journey of Paul Atreides as he unites with Chani and the Fremen while on a warpath of revenge against the conspirators who destroyed his family. Facing a choice between the love of his life and the fate of the known universe, he endeavors to prevent a terrible future only he can foresee.”

Sa katunayan nga, ang “Dune:Part Two” ay nakakuha ng 97% na marka mula sa American film and TV review na Rotten Tomatoes.

Ang pelikula ay mula sa nobela ni Frank Herbert at ang direktor nito ay si Denis Villeneuve.

Bukod kina Timothée at Zendaya, tampok rin sa bagong “Dune” sina Rebecca Ferguson, Josh Brolin, Austin Butler, Florence Pugh, Dave Bautista, Christopher Walken, Stephen McKinley Henderson, Léa Seydoux, Stellan Skarsgård, Charlotte Rampling, at Javier Bardem.

Read more...