Heart super kilig kay Mingyu ng Seventeen, nakasama sa Paris Fashion Week

Heart super kilig kay Mingyu ng Seventeen, nakasama sa Paris Fashion Week

Heart Evangelista, Mingyu of Seventeen

KOTANG-KOTA na ang fashion icon at socialite na si Heart Evangelista pagdating sa Korean idols na nami-meet niya sa Paris Fashion Week.

Sa pagkakataon naman kasi na ito, nakasama niya sa event ng luxury brand na Dior ang K-Pop star at Seventeen member na si Mingyu.

Sa Instagram Story, ramdam na ramdam ang pagka-fangirl ni Heart kung saan ibinandera niya ang video ng K-Pop star mula sa malayo.

May background music pa nga ito ng kantang “Margaret” ni Lana Del Rey at caption niya: “I’m not [the] type but…,” kalakip ang isang heart on fire emoji.

Baka Bet Mo: Paandar ng tatay ni Heart: Buy ka ng sapatos mo at jacket, Christmas gift ko na sa ‘yo, bayaran ko na lang pagbalik mo

PHOTO: Instagram Story/@iamhearte

Sa isang livestream video, nauna nang inamin ni Heart na excited siya sa nasabing event dahil alam niyang nandoon ang iniidolo niyang si Mingyu.

Burado na ang live video, pero muli itong inupload sa TikTok ng isang fan account na may username na @heartevangelistaupdates.

“Yes, I will be in Dior. I’m so so excited and I know you guys are excited,” sey niya.

Patuloy ng fashion icon, “Believe me, kung makapal lang ‘yung face ko—I know someone is also gonna be there and it’s Mingyu.”

Mapapanood din na tinanong siya ng isang fan na kung pupwede raw ay magpa-picture siya sa K-Pop idol, pero sinabi ni Heart na siya ay nahihiya.

“I see a lot of these beautiful people during Fashion Week but I’m super shy to take a photo,” sagot niya sa isang fan.

@heartevangelistaupdates Heart at mingyu kim parihas attend ng dior fashion show sa paris. ♥️ #parisfashionweek #pfw #fashionweek #heartevangelista #mingyu #mingyuseventeen #mingyuedit #heartevangelistalifestyle #heartevangelistaescudero #heartevangelistafashion #heartevangelistalife #heartevangelistaupdates #dior #diorbeauty ♬ HOT – SEVENTEEN

Samantala, ibinandera naman ni Mingyu sa kanyang Instagram Stories ang kanyang pasasalamat sa Seventeen fans o Carat dahil sa suporta na ibinigay nila during the Dior show.

“Thank you Carat [black heart emoji] I love you,” caption niya.

PHOTO: Instagram Story/@min9yu_k

Kung matatandaan, nagkaroon ng concert sa ating bansa ang nasabing grupo na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan noong nakaraang buwan.

Magugunita naman na ngayong Pebrero lang din nang ma-meet ni Heart ang Korean star na si Lee Min-ho sa isang fashion event sa Thailand.

Naging agaw-pansin din sa maraming fans ang pag-shake hands ng dalawa habang nag-uusap.

Bukod diyan, nag-trending din ‘yung naging seatmate ng socialite ang TWICE member na si Myoui Mina sa isang fashion event.

Tuwang-tuwa ang maraming fans dahil tila mag-bestfriends ang dalawa kung titingnan.

Makikita kasi sa viral photos na super close umano sina Heart at Mina sa upuan habang nanonood ng mga rumarampa sa runway.

Read more...