Kris Bernal matapos magpa-dede: Ang dami ko pang gagawin pero pagod na ako

Kris Bernal matapos magpa-dede: Ang dami ko pang gagawin pero pagod na ako

PHOTO: Instagram/@krisbernal

MARAMING mommies nanaman ang relate na relate sa latest social media post ng first time celebrity mom na si Kris Bernal.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, ibinandera ni Kris ang kanyang video na nakahiga na at mukhang pagod na pagod, kalakip ang caption na: “Me every after breastfeeding or pumping [glass of milk emoji].”

Sey pa niya sa post, “Ang dami ko pang gagawin pero pagod na ako [smiling face emoji].”

Baka Bet Mo: Solenn Heussaff ibinandera ang sikreto sa pagiging padede mom: Malunggay capsules always do the trick!

PHOTO: Instagram Story/@krisbernal

Kasunod niyan ay nag-post naman siya ng video na ipinapakitang pinapatulog niya ang kanyang anak na si Hailee Luca.

“Being a hands-on mom requires time, effort, and patience, but the rewards are invaluable [folded hands emoji],” wika niya.

PHOTO: Instagram Story/@krisbernal

Recently lamang nang inamin ni Kris na ang pagiging ina ay minsan “strange” at “overwhelming.”

Gayunpaman, ang motherhood daw ang pinaka “favorite era” niya at ang maging mommy ni Hailee, aniya, ang isa sa mga pinasasalamatan niya.

Kuwento ni Kris sa isang IG post, “My to-do list is always full but so is my heart. I’m always on the verge of a meltdown but I’d be lost without her. My days feel long but they also go by in the blink of an eye.”

“I sometimes feel suffocated by motherhood but I also found my purpose. I feel so many emotions in one day,” ani pa niya.

Kung maaalala, bago ang pagsapit ng Pasko ay ibinandera na ng celebrity mom ang kanyang Christmas wish.

Ayon sa kanya, magiging masaya na siya kung magkakaroon siya ng pagkakataong makatulog ng ilang oras.

Matatandaang ikinasal sina Kris at Perry noong 2021 sa isang simbahan sa Makati City.

Isinilang naman ni Kris ang kanilang panganay na si Hailee Lucca noong Agosto.

Read more...