Jericho gustong isapelikula ang ‘Pangako Sa ‘Yo’ para makatambal uli si Kristine

Jericho gustong isapelikula ang ‘Pangako Sa 'Yo’ para makatambal uli si Kristine

Jericho Rosales, Kristine Hermosa

SA pagbabalik-showbiz ng batikang aktor na si Jericho Rosales, tila kasama sa kanyang bucket list ang muling makatrabaho ang dating leading lady na si Kristine Hermosa.

Ayon sa kanya, nais niya magkaroon ng movie adaptation ang 2000 hit series nila na “Pangako Sa ‘Yo.”

Para kasi kay Jericho, isang “unfinished business” ang version nila ng dating soap opera.

Sinabi rin niya sa kanyang panyam with Cosmopolitan Philippines na maaaring maging curtain call kung gagawa sila ni Kristine ng movie version nito.

“I’ve always said [that] I want to work with Kristine because I feel like [it’s] some sort of unfinished business when it comes to our run,” sey niya sa magazine.

Baka Bet Mo: Jericho unang-unang nag-comment sa life updates ni Kathryn: Sweet yarn!

Ibinunyag pa ni Echo na kinausap pa nga niya mismo ang manager nila ng aktres upang malaman kung interesado ang celebrity mom na makapagtrabaho muli with him.

“It was the 25th anniversary [ng ‘Pangako Sa ‘Yo’] just recently and I told my manager because Kristine and I had the same manager before. I was like, ‘Hey, how is she? Do you think she’s going to be open to working with me?’” kwento ng aktor.

Mukhang pinag-isipan na rin ng Asian Drama King ang magiging storyline ng magiging pelikula sakaling matuloy ito.

Ayon sa kanya nais niyang ipakita sa movie version ang karakter nila ni Kristine makalipas ang dalawang dekada.

Iginiit din niya na hindi dapat sila tumampok bilang mga magulang sa palabas.

“I don’t want us to be parents—it’s just like, rock and roll lang kasi, you know, last na,” wika niya.

Matapos ang kumpirmasyong hiwalay na sa asawang si Kim Jones, ni-reveal ng 44-year-old actor na maraming proyekto ang aabangan sa kanya.

“I have a slate. I’ve prepared the slate for myself, which I’m working on from 2024 to 2027. You’ll definitely see me in the cinemas this year,” sambit niya.

Samantala, ibinalita ni Kristine kamakailan lang na ipinagbubuntis niya ang ika-anim na anak nila ng mister na si Oyo Sotto.

Taong 2015 nang magkaroon ng remake ang “Pangako Sa ‘Yo” na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o loveteam na “KathNiel.”

Read more...