Kilikili ni Georgina Wilson pinagtripan sa socmed: ‘Grabe, nakakasilaw!’

Kilikili ni Georgina Wilson pinagtripan sa socmed: ‘Grabe, nakakasilaw!'

PHOTO: Instagram/@ilovegeorgina

ALIW na aliw kami sa latest social media post ng model-actress na si Georgina Wilson.

Paano ba naman kasi, maraming netizens ang nag-react sa napakakinis at napakaputi niyang kilikili!

Sa Instagram, makikita ang ilang litrato ni Georgina na tila nagpo-pose sa isang brand event.

Karamihan sa pictures ay nakataas ang kamay ng aktres at confident na ibinabandera ang nakakasilaw niyang armpits.

Dahil diyan, agaw-atensyon talaga ang pagka-“kilikili goals” niya na siyang pinagkaguluhan ng netizens sa comment section.

Baka Bet Mo: Sofia Andres ibinandera ang kilikili, hinamon ang mga bashers: Zoom it all you want!

Narito ang ilan sa mga nabasa naming nakakaaliw na komento:

“‘Yung armpits mo po mas maliwanag pa sa kinabukasan ko [laughing emoji]”

“Akala ko roll ang ini-endorse [laughing emoji]”

“Nasilaw ako sa kilikili, grabe wala mark ng kahit ano.”

“Ms. Georgina mas makinis at flawless pa ‘yung kilikili mo sa mukha ko [smiling face emoji].”

“Kilikili damn! my favorite part of the body, and got it all girl!”

“‘Yung mas maputi pa kilikili niya sa kanya.” 

“Hindi ko kinakaya kili kili mo te [crying, laughing emojis].” 

“Kili-kili goals [smiling with heart eyes emojis] Them pits are brighter than the future [laughing emoji]”

Maliban sa netizens, maraming fellow celebrities din ang nag-react sa kaseksihan ni Georgina.

Kabilang na riyan ang “It Girl” friends na sina Solenn Heussaff and Isabelle Daza.

“I guess you’re peaking?!? [emojis],” sey ni Isabel.

Komento naman ni Solenn, “Hoot [fire emoji].”

Read more...