OF COURSE, proud na proud ngayon si Dimples Romana sa latest achievement ng panganay niyang anak na si Callie Ahmee.
Super flex ang Kapamilya actress sa social media sa natanggap niyang bonggang good news – isa na ngayong licensed commercial pilot sa Australia si Callie.
Kumukuha ng Aviation Management sa Southern Cross University sa Gold Coast, Australia si Callie at matapos ngang pumasa sa private pilot’s license exam, is na ring licensed commercial pilot ang dalaga sa edad na 20.
Ibinahagi ni Dimples sa kanyang Instagram page ang mga litrato ng anak nila ng asawang si Boyet Ahmee kasama ang mga kasamahan nito sa nasabing pilot school.
Ang caption ni Dimples sa kanyang IG post, “So our child number one finally completed her flying licenses yesterday all the way from the land down under (Australian flag).
Baka Bet Mo: Dimples Romana super proud nanay, ibinandera ang pagpasa ng anak sa commercial pilot license exams sa Australia
“Finally, a licensed commercial pilot! didn’t you just turn 20 years old, two months ago, Amanda!?
“YOU ARE A ROCKSTAR Capt @callieahmee!” ang mensahe pa ng super proud nanay.
Dagdag pang pahayag ng aktres at TV host, You’re making dad @boyetahmee and I look so darn good!!! WE ARE PROUD and humbled.
“I have not stopped crying buckets from thinking about all the struggles and sacrifices you have had to overcome to achieve your ultimate dream.
“Ate, may your beautiful story of dreaming big, staying true to yourself, leaving the comforts of home, living alone, creating a path of your own with a heart determined to soar high inspire many other young people, especially women like yourself to never be afraid to march to the beat of their own drum and fly confidently like you do.
“You have us always (heart emoji).
“Love you. Now, go cook adobo and sinigang!” sabi pa ni Dimples.
Sa comments section ng post ng aktres, mababasa ang mga mensahe ng pagbati ng kanyang mga kaibigan sa showbiz na bilib na bilib kay Callie.
Matatandaang lumipad si Callie noong March, 2022 patungong Gold Coast, Australia, para abutin ang pangarap na maging pilot.