Heart, Pia kasama ba sa pinaringgan ni Michael Cinco ng, ‘Magbayad ka!’

Heart, Pia kasama ba sa pinaringgan ni Michael Cinco ng, 'Magbayad ka!'

Pia Wurtzbach, Michael Cinco at Heart Evangelista

MARAMING nanghula sa pa-blind item na hugot ng kilalang Filipino fashion designer na si Michael Cinco tungkol sa mga influencers na ayaw magbayad.

May mga personalidad daw kasi na gustong makipag-collab sa kanya at magsuot ng kanyang creations pero hindi naman willing mag-pay.

Walang binanggit na names ang Dubai-based designer (na nakagawa na ng damit para sa mga international stars including Jennifer Lopez and Beyonce) sa kanyang social media post kaya a kanya-kanyang hula ang mga netizens.


“It’s quite ironic how these celebrities proudly wear these designer clothes, but when it comes to Filipino designers, they suddenly want everything custom-made for them for FREE…

Baka Bet Mo: Kilalang male celeb tinakbuhan ang pinagkakautangang stylist, hindi na rin ibinalik ang hiniram na mga damit

“Everytime some influencers and starlets ask me if I wanna do their wedding dress or red carpet dresses for collaboration or for FREE…

“I always tell them— WHAT A WONDERFUL LIFE… BEAUTIFUL THINGS in this world are not FREE… In other words… MAGBAYAD KA!!!” ang pahayag ni Michael Cinco.

Siyempre, damay diyan ang mga pangalan ng mga Pinoy fashion icon na sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach na mahilig makipag-collab sa mga kilalang fashion designer sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Maraming nagtanong kay Michael kung kasama ba sina Heart at Pia sa mga pinatututsadahan niya.

Ngunit tila sinagot nga sila ng fashion designer matapos itong mag-comment  sa mga post nina Pia at Heart na parehong um-attend at nakipagsosyalan sa naganap na Milan Fashion week.


Sa Instagram photos ni Pia na kuha nga sa Milan Fashion Week, nagkomento si Michael Cinco ng, “Stunning.”

“Love it,” ang comment naman ni Michael sa isa pang IG post ni Pia with her black top and black-and-maroon-striped crocheted skirt OOTD.

Ayon sa isang IG user, “The only comment that matters periodttt.”

Baka Bet Mo: Baby Cinco nagsisilbing ‘charger’ ni Roxanne Barcelo; super proud sa non-showbiz hubby

“Oh ayan ha! Tigilan nyo na issue nyo kay M5 at Pia. Hindi si pia yung nasa IG stories ni mama M5,” sabi naman ng isa.

Samantala, pinuri rin ni Michael si Heart nang rumampa sa naturang fashion event. “So classy and gorgeous,” ang  komento niya sa OOTD ng Kapuso actress sa suot nitong one-piece black bikini layered with black fur coat.

Reaksyon naman ni Heart, “Aww thank you see you soon.”

“Wow!! Thanks Michael Cinco Oh ayan legit yan!!! Next collab nila abangan na!” ang sabi ng isang IG follower ng wifey ni Sen. Chiz Escudero.

Sabi ng isa pang netizen, “Thanks for making this comment. Some ignorant commenters were insinuating that Heart was among those ‘Filipino celebrities and influencers who asked fellow local designers for free outfits.’ This comment disproves that notion.”

Read more...