Maris Racal handa na nga bang magkaanak?

Maris Racal handa na nga bang magkaanak?

TALAGA namang namumukadkad ngayon ang karera ng Kapamilya actress na si Maris Racal at swabe rin ang kanyang relasyon sa boyfriend na si Rico Blanco.

Kaya naman may ilang mga nagtatanong kung ready na nga bang mag-settle down ang dalaga at bumuo na ng pamilya lalo na’t mahilig sa bata ang aktres.

Sa kanyang guesting sa Kapamilya morning show na “Magandang Buhay” ay napag-usapan nila ang nag-trending niyang larawan bilang “padede mom”.

Kuha ito noong May 2023 kung saan nag-volunteer ang dalaga na tulungan ang mommy sa pag-aalaga sa mga anak nito na nakasabay niya sa flight nang pabalik na siya sa Manila.

Dito ay natanong siya ni Jolina kung ano nga ba ang istorya sa likod ng kanyang nag-viral na post.

Baka Bet Mo: Maris binigyan uli ni Vicki ng bag worth P400k: Ang ganda! Naiiyak ako!

Pagbabahagi ni Maris, “Sobrang happy ko [na may katabi akong baby]. Mahilig talaga ako sa baby kasi growing up ako ‘yung nag-aalala… Ako ‘yung go-to babysitter ng mga pamangkin ko.”

Kaya naman nausisa siya ni Melai kung ready na ba siyang pasukin ang next chapter ng buhay.

“Kasi may mga nagtatanong, e. Parang dito na ba papunta? Bakit ka excited sa mga pag-aalaga ng mga bata?” usisa ni Melai kay Maris.

“Magtatrabaho po muna ako. Pero nandoon naman ‘yon. Nasa backseat muna. Kailangan ko munang as individual maging satisfied sa work ko or sa narating ko.

“Para kung satisfied ako, at happy ako, at peaceful ako, maituturo ko ‘yon sa offspring—kung sinoman siya,” sagot ni Maris.

Read more...