Gloc 9 hinangaan ng netizens sa pagmamahal at pagsuporta sa anak
MARAMI ang sumaludo at lubos na humanga sa Filipino rapper at songwriter na si Gloc 9 matapos nitong ibandera sa mundo kung gaano niya kamahal ang anak.
Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN na ipinalabas sa “TV Patrol” nitong Lunes, February 26, inamin ng OPM icon ang istorya sa likod ng kanyang hit song nila ni Ebe Dancel na “Sirena”.
Pag-amin ni Gloc 9, “My son is gay. Nu’ng sinulat ko ‘yun, hindi niya pa sinasabi sa amin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko na, kung gaano ko siya kamahal.
“Hindi naman ako ma-showbiz and I think para sabihin ko ito now, ako ay proud na proud sa anak. Ako ay excited sa kung ano man ang kaya niyang ma-achieve sa buhay niya.”
Dagdag pa niya, mahal na mahal niya ang anak at proud siya sa mga nakamit nito.
Baka Bet Mo:
Bandera IG
“Ako’y proud na may anak ako na tulad ni Daniel. Mahal na mahal ko ang mga anak ko at gagawin ko ang lahat para sa kanila,” ani Gloc 9.
Aniya, natakot raw siya nang ire-release na ang kanta dahil baka raw makainsulto siya ng tao nang hindi niya sinasadya.
Kaya naman abot langit ang naging pasasalamat ni Gloc 9 nang mainit na tinanggap ng publiko ang kanyang awitin.
At mas na-appreciate pa ng netizens ang naturang kanta dahil sa eapesyal na istorya sa likod ng pagkakagawa niya rito.
“gloc 9 is a father gone right,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “isa ka sa mga rapper na hinahangaan ko,,,very humble and thank you for your songs.”
“Dapat talaga lawakan natin Ang isip natin at bilang Isang magulang marunong din tayong makinig sa mga anak natin , kung ano may Sila dapat tangapin natin .
Salute sir Gloc 9,” sey ng isa.
Hirit pa ng isang netizen, “salute ako kahit ano anak ko ok lang sakin bakla man yan o tomboy edi suportahan [heart emojis] di ko lang maintindhan yun iba bakit ayaw nila na bakla anak nila .wala naman tayo magagawa kesa naman magtatago yan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.