Robin nag-sorry sa ‘drip session’ ni Mariel sa Senado: Hindi na mauulit

Robin nag-sorry sa 'drip session' ni Mariel sa Senado: Hindi na mauulit

Mariel Rodriguez at Robin Padilla

MATAPOS umani ng batikos, nag-sorry na si Sen. Robin Padilla sa kontrobersyal na “drip session” ng asawang si Mariel Rodriguez sa loob mismo ng kanyang opisina sa Senado.

Nagpadala ng dalawang sulat ang aktor at senador ngayong araw, February 26, na naka-address kina Senate Medical Bureau chief Dr. Renato Sison at Senate Sgt-at-Arms Roberto Ancan.

Base sa naturang liham, sinabi ni Sen. Robin na wala siyang intensiyon na balewalain ang ipinatutupad na alituntunin sa Senado nang gawin ni Mariel ang “drip session” sa kanyang opisina last February 19.

“Kailanman po ay hindi ko naisip na ipawalang-bahala ang mga umiiiral na alituntunin ukol sa seguridad ng Senado, lalo’t higit ang hindi pagbibigay-galang sa ating institusyon,” ang sabi ng senador.

Baka Bet Mo: Sey ni Mariel matapos ma-isyu: ‘In my heart wala akong tinapakang tao’

Sa sulat naman niya para sa tanggapan ng Medical Bureau nakasaad ang kanyang paliwanag at pagdepensa sa ginawa ni Mariel.

“Nais ko pong bigyan ng diin na wala pong intensyon ang aking maybahay na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na patakaran ng Medical Bureau.


“Makakaasa po kayo na hindi na mauulit ang ganitong uri ng pangyayari,” sabi pa ni Robin Padilla.

Baka Bet Mo: Herlene Budol rumampa sa Senado, pinahanga sina Robin Padila, Bato dela Rosa, Raffy Tulfo at Bong Go

Kaliwa’t kanang batikos ang inabot nina Robin at Mariel dahil sa naturang insidente dahil ayon sa mga netizens, “very inappropriate” at “disrespectful” ang ginawa ng TV host-actress.

“No decency in the senate. Is this the type of imagery you want to convey to the Filipino public?” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Looks like Mariel Padilla has not experienced working in an office whether private or public. Nobody does that. And seriously what she’s promoting is a public health concern given that she’s doing that amidst the backdrop of the official seal of the Senate of the Philippines.”

Sa exclusive interview ng BANDERA, ang pagtatanggol ni Mariel sa sarili, “In my heart, wala akong tinapakan na kahit sinong tao. Kung may na-offend, sorry, pero walang intention na maka-offend.”

Read more...