SA unang pagkakataon, ibinandera ng OPM icon at rapper-songwriter na si Gloc-9 na ang isa niyang anak ay miyembro ng LGBTQIA+ community.
Rebelasyon ni Gloc-9, proud na proud siya sa anak niyang si Daniel at excited na siya sa magagandang opportunities na naghihintay para sa bagets.
Ilang taon pa lamang ang nakararaan ng mag-come out ang kanyang anak sa kanila at in fairness, tinanggap daw niya agad nang buong-buo ang tunay na pagkatao ni Daniel.
Sa exclusive interview ng ABS-CBN, binalikan ni Gloc-9 ang isa sa mga kanta niyang nag-hit nang bonggang-bongga noong 2012, ang “Sirena” na naging anthem nga ng gay community sa iba’t ibang panig ng mundo.
Baka Bet Mo: Chito puring-puri si Gloc-9: Na-miss ko ‘tong taong ‘to, napakabait at iba talaga kaya pinagpala
Ayon kay Gloc-9, noong ginawa niya ang “Sirena” ay wala pa siyang idea sa sexual preference ng anak pero inamin niya na talagang natakot siya nang i-release nila ang kanta.
“’Yung song na ‘yan, nu’ng iri-release namin ‘yan, takot na takot ako. Takot na takot dahil ayaw kong makainsulto ng tao.
“Alam ko kasi nu’ng sinulat ko ‘yan, hindi ko tsinelas o sapatos ang suot-suot ko. Ako’y nagsuot ng ibang sapatos o tsinelas,” ang pahayag ng singer-songwriter sa panayam ng ABS-CBN.
Paliwanag pa niya, “Kaya ako natatakot kasi ayaw kong may naisulat ako dun na baka ‘eh sira ulo pala ito hindi naman ‘to ganyan.’”
Siyempre, abot-langit ang naramdaman niyang kaligayahan sa mainit na pagtanggap ng mga Pinoy sa naturang kanta, kabilang na ang mga magulang na may bading o tomboy na anak.
Baka Bet Mo: Misis ni Gloc-9 ibinuking ang presyo ng suot nila sa kasal: Yung wedding gown ko P1,500, yung barong niya P2,500…
“Nu’ng minsan, I think days after namin ma-release ‘yung music video may isang grupo ng production people na nagpunta sa bahay to interview me about the song.
“And then pinapanood namin sa kanila, e
Ito na ‘yung music video baka gusto n’yong mapanood. And then ‘yung isa talaga humahagulgol at the end of the song.
“And then she said, ‘Nararamdaman ko ‘yan kasi ‘yan ang buhay ng best friend ko. Maraming salamat,’” pagbabahagi pa ni Gloc-9.
Kasunod nito, nabanggit nga niya ang tungkol sa kanyang anak, “My son is gay. Nu’ng sinulat ko ‘yun, hindi niya pa sinasabi sa amin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko na, kung gaano ko siya kamahal.
“Hindi naman ako ma-showbiz and I think para sabihin ko ito now, ako ay proud na proud sa anak. Ako ay excited sa kung ano man ang kaya niyang ma-achieve sa buhay niya.
“Minsan iniisip ko how life gives you hints of magic here and there. Nung natapos ko ‘yung ‘Sirena’ hindi ko naman alam. And I don’t mind. Anak ko ‘yun,” aniya pa sa nasabing panayam.
“Ako’y proud na may anak ako na tulad ni Daniel. Mahal na mahal ko ang mga anak ko at gagawin ko ang lahat para sa kanila,” dagdag pa niya.
Sa huli, sinabi ni Gloc-9 na regalo rin niya ang “Sirena” sa anak.