Dasuri Choi pinaiyak ng bashers, pinalalayas na sa Pinas: It’s painful!

Dasuri Choi pinaiyak ng bashers, pinalalayas na sa Pinas: It's painful!

PHOTO: Screengrab from YouTube/DASURI CHOI

“UMALIS ka dito sa Pilipinas,” “Umuwi ka na ng Korea,” “Wala na bang iba?”

‘Yan lamang ang mga halimbawa ng mga natatanggap na hate comments ng Philippine-based dancer and entertainer na si Dasuri Choi mula sa Pinoy bashers.

Sa pamamagitan ng latest YouTube vlog, nag-react si Dasuri sa ilang pamba-bash na ibinabato sa kanya sa social media habang nagmu-mukbang ng Pinoy and Korean food with soju.

“Lately, nagkaroon ako ng maraming, maraming, maraming bashers but I still love myself,” sey ng Korean star sa panimula ng kanyang vlog.

Bilang warm-up sa kanyang gimik, mga mabababaw na hate comments pa lang ang binasa sa kanya, pero ‘nung naging tipsy na siya ay doon na naglabasan ang maaanghang na salita laban sa dancer.

Baka Bet Mo: Dasuri Choi sinagot na ang akusasyong third party sa Mavy-Kyline breakup

“Akala mo sikat!? Wala kang ngang 1M followers eh! Get a life b*tch! Umalis ka dito sa Pilipinas! Bruha ka @dasurichoi,” sey ng isang netizen.

Wika pa ng isang basher, “Wala na bang iba? [laughing emoji] Umuwi ka na Korea. Please? Thank you [red heart emoji].”

Nang marinig ‘yan ni Dasuri, inamin niya na ito ‘yung mga salita na ayaw na ayaw niyang marinig o mabasa.

Dahil diyan, bigla na nga siya naiyak at ipinaliwanag kung gaano ito kasakit para sa kanya.

“When my life is really deep down, I went here and Filipinos, you guys, helped me to grow and you guys really helped me to be happy. I didn’t know Filipino culture, language. I tried my best to learn,” sambit niya.

Aniya pa, “At the end of the day, you guys will say, ‘balik ka nalang sa Korea, uwi ka nalang, wala kang kwenta.’ Masakit talaga sa akin.”

Pero bandang huli ay tila bumawi si Dasuri at sabay sabing, “At the end of the day, ako ang mag-decide kung uuwi ako or hindi, so shut up!”

Kasunod niyan ay prinove niya sa mga manonood kung gaano siya ka-Pinoy.

Ipinagmamalaki niya na kaya niyang sabihin ng diretso ang salitang “nakakapagpabagabag.”

Mensahe pa niya, “Hindi naman maiiwasan ang bashing as a public figure.”

“So pinapakita ko sa inyo na minsan, nasasaktan din ako. We are also humans…But I will try my best to be better YouTuber,” wika pa niya.

Nabanggit din niya na natutuwa siya kapag sinasabihan siyang Pinoy ng ating mga kababayan.

“Parang natutuwa ako kasi I tried to learn all the cultures, I tried to learn everything kasi about Philippines,” pagmamalaki niya.

Masayang lahad niya pa, “So it means I’m working, I’m doing well here.”

Read more...