Yael Yuzon nag-propose uli kay Karylle para sa kanilang 10th anniversary

Yael Yuzon nag-propose uli kay Karylle para sa kanilang 10th anniversary

Yael Yuzon at Karylle

“SURPRISE, surprise!” Yan ang ginawa ni Yael Yuzon para sa kanyang asawang si Karylle sa live episode ng “It’s Showtime” ngayong araw, February 26.

Sinamantala ng vocalist ng bandang Sponge Cola ang pagkakataon na makapag-propose muli sa kanyang misis on national TV para sa kanilang renewal of wedding vows.

Sa isang bahagi ng “It’s Showtime” kaninang tanghali, binati ng mga host na sina Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario,l at Ryan Bang si Karylle dahil sa matagumpay na Filipino rock opera ballet na “Rama, Hari”.

Dito, sorpresang dumating sa studio ng show si Yael para batiin si Karylle at ibandera sa madlang pipol kung gaano siya ka-proud sa mga achievements ng singer-actress at TV host.

Baka Bet Mo: Vice nagparamdam: Karylle may plano na nga bang layasan ang Showtime?

Ibinuking ni Yael na hindi sanay si Karylle sa mga pa-surprise dahil mas gusto nito na naka-schedule lahat ng mga gagawin niya sa buhay.

Mensahe ni Yael sa kanyang misis, “I’m very proud as your loving husband.”


Bigla namang sumingit si Vhong at nag-dialogue ng, “Di ba Yael, 10 years na kayo?”

Umoo ang OPM artist, “Magti-10 years na kami na kasal. And alam mo, yung thing kasi na alam mo kasal na kayo ng 10 years, parang mas naa-analyze mo yung mga things through the ups and downs, mostly ups, pero sa mga downs mas naa-analyze mo yung mga things.”

Baka Bet Mo: Kim Chiu mas pinapaboran daw ng mga bossing sa ‘It’s Showtime’ kaya naeetsapwera si Karylle

Tumingin siya uli kay Karylle at sinabing, “Tapos kung sigurado ka back then, mas sigurado ka na now kasi meron na tayong ten years together. Pero meron akong hindi nagawa before. So, I’m gonna do it now.”

At dito na nga inilabas ni Yael ang singsing at lumuhod sa harap ni Karylle na sinundan ng malakas na hiyawan at palakpakan ng audience.

“Will you marry me again?” ang tanong niya kay Karylle na agad namang sinagot ng TV host ng, “Yes.” Niyakap ni Yael ang misis at nag-kiss pansila sa lips.

Unang nag-propose si Yael kay Karylle noon habang nasa kotse silang dalawa kaya naman naisipan niyang gawin uli ito sa harap ng madlang pipol para sa kanilang renewal of vows.

Matatandang nagpakasal sina Yael at Karylle sa pamamagitan ng isang private ceremony noong March 21, 2014 sa Silang, Cavite.

Read more...