Diego may gustong patunayan kay Cesar; nagpayo sa mga binatang ama

 

Diego may gustong patunayan kay Cesar; nagpayo sa mga binatang ama

Diego Loyzaga at Cesar Montano

NGAYONG tatay na si Diego Loyzaga ang pangako niya sa anak na si Hailey – kahit anong mangyari ay lagi siyang nasa tabi nito.

Ngayon ay nasa poder ng mommy nitong si Alexis Suapengco si Baby Hailey pero maayos na raw ang co-parenting status nila ni Diego.

Ayon sa aktor, hindi kasi niya maipapangako ang kumpletong pamilya kaya ipararamdam niya sa anak na mahal siya ng kanyang mga magulang at magsisikap siya sa buhay hoping na magiging proud sa kanya si Hailey paglaki nito.


Tanong ni Ogie Diaz sa panayam niya kay Diego sa YouTube channel nitong “Ogie Diaz Inspires” kung sa tingin niya ay proud ang magulang niya sa kanya na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Baka Bet Mo: Dasal ni Diego paglaki ng anak: I hope you don’t judge me for my past

“I hope so,” kaswal na sagot ng actor.

Naging mabuting anak ba si Diego?

“No. I know for a long time hindi (natawa si Ogie sa pagiging tapat ng actor). Oo, I told you, I’m an honest person. I know there are a lot of things that I disappointed by dad, I know there are a lot of things that my mom ang tagal niyang nagtiis na matuto ako, ‘wag ko nang ulitin ‘yung mga pagkakamali ko until today.

“I don’t think kasi na ‘you always try to be better’, ganu’n naman ‘yun, eh. Ang pangit kung sabihin kong I did something stupid (at) bukas gagawin ko ulit kinda. Bukas try not to do it again,” nakatawang sagot ni Diego.

Biro ni Ogie, “So bukas ibang pagkakamali naman (gawin mo).” Sobrang nagkatawanan ang dalawa pero hirit ng actor, “But then again how do you learn if you don’t?”

Kaya ang gusto niyang patunayan sa amang si Cesar, “I wanna do that, that’s why I work so hard. I wanna achieve what my dad has achieved in life.

“And in my mom’s side naman the fact that she’s a single mom who was able to raise two boys on her own in a foreign country ang hirap no’n, she was working multiple jobs just to put food on the table.

Baka Bet Mo: 3 GMA Sparkle stars magpapatalbugan sa remake ng ‘Underage”, mapantayan kaya sina Maricel, Dina at Snooky?

“So sa mga pinagdaanan ko wala pa ‘yun sa mga pinagdaanan ng parents ko.  ‘Yun nga kasabihan papunta ka pa lang pabalik na ako what more our parents di ba? And yes I want to be able to do something para masabi nila na they’re proud of me at masabing nagbago na ako,” sabi ni Diego.


At ang gustong ma-achieve ng aktor ay ang pagkakaroon ng sariling bahay, bagong sasakyan at manalo ng award bilang pagkilala sa craft niya tulad ng mga natanggap ng ama sa mga pelikulang nagawa nito.

Tungkol naman sa mental health issues ni Diego, “I’m happy, I’m in a good place, whatever the outside adversity will always be there I mean what is life if everything is just happiness, di ba? There’s always a good day and bad day.”

At bilang binatang ama ay ano ang maipapayo ni Diego sa mga kapareho niya ng estado sa buhay ngayon?

“First of all, I speak for everybody who is in my age bracket, so, from early 20s bago mag-30’s or even young 30’s is one thing that you (Ogie) and me can both agree with.

“Get your money right, get your finances right. I know in this world we shouldn’t look at the materialistic things pero maging totoo tayo, maging prangkahan make sure na you have a job, you’re financially stable before you bring somebody into this world na aasa sa iyo.

“That’s the number one because ‘yang batang ‘yan hindi niya pinili na isilang siya sa mundo ikaw ang nag-decide na dalhin siya dito sa mundo natin, so you have all the responsibility now to provide for that child, for that daughter, for that son.

“It will never be the child’s fault or to blame. Even if you’re not deciding on having a kid yet get your money right first.

“All the boys, my brothers and sisters get your money right first. Ako nga, eh, kung puwede lang payuhan ang sarili ko na mas batang ako na ‘wag ka munang mag-isip ng pag-ibig o mga relasyon na ‘yan, please!

“Ayusin mo muna ‘yung (buhay mo) ha, ha. Kung puwede lang ‘no? Get a good job, get a good sahod na trabaho, mag-ipon ka don’t go waste your money doing stupid things. Kasi ang kasabihan ng pagiging parent you’re never really ready, eh. Plan life out,” pahayag ng actor.

Read more...