‘Pulubi’ buking, nakabili ng sasakyan na nagkakahalaga ng P1.5-M

'Pulubi' buking, nakabili ng sasakyan na nagkakahalaga ng P1.5-M

Ang pulubi na may mamahaling sasakyan (Photo from Facebook)

VIRAL sa social media ang kuwento ng isang “pulubi” na nakabili ng mamahaling sports utility vehicle (SUV) sa Pahang, Malaysia.

Nabuking ng social welfare department (JKM) sa Maran district sa Pahang ang raket ng naturang pulubi sa Sri Jaya night market sa isinagawa nilang operation.

Base sa report ng The Straits Times, marami nang nagrereklamong residente sa mga nanlilimos doon kaya naman umaksyon na ang mga tauhan ng JKM Maran.

Kumalat ang balitang ito sa ilang Malaysian Facebook page kung saan bumida ang 45-years-old na nanlilimos pero nagmamay-ari pala ng SUV na nagkakahalaga ng P1.5 million.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre tinawag na ‘basura’ ang FB page na nang-okray sa kulay niya: ‘Puwede nang gawing kasabwat na pulubi’

Base sa nabasa naming impormasyon sa social media, PWD ang lalaki na may maiiksing kamay na nakasuksok sa isang paper bag, kung saan niya inilalagay ang kanyang nalilimos. Nakasuot din siya ng gray robe at Muslim skull cap.

Nakasaad sa post ng JKM Maran social welfare department sa FB, “He was holding a paper bag, soliciting sympathy from passers-by. Both of the man’s hands appeared small unlike those of a normal human.”

Kinausap ng JKM staff ang lalaki pero hindi ito nagsasalita kaya inisip nilang baka pipi at bingi ito. Pero bigla itong nag-talk nang hingan ng ID kaya shookt ang mga kumakausap sa kanya.

Ayon sa lalaki, naiwan niya ang ID sa sasakyan na muling ikina-shock ng taga-JKM. But wait there’s more – mas lalo pa silang nagulat nang bumalandra sa harapan nila ang isang Proton X70 na may price tag na 123,800 to 128,000 Malaysian ringgit (RM) o P1.4 hanggang P1.5 million.

Baka Bet Mo: Kim nakabili ng ‘secret hideout’ sa kaunting ipon: Dito ako nagmumuni-muni…parang bahay-bahayan

Knows n’yo ba kung magkano ang “salary” ng pulubi? Aabot daw ito ng P5,800 bawat araw. Bukod pa ito sa natatanggap niyang P5,000 mula sa social welfare department dahil sa pagiging PWD.

Sey pa raw ng lalaki, napupunta raw ang malaking bahagi ng kanyang kinikita sa panlilimos sa pagbabayad ng kanyang mamahaling kotse.

Ang ending, hindi na muna kinasuhan ang pulubi dahil unang offense pa lang naman daw ngunit binalaan na siyang huwag na huwag nang manlilimos sa mga kalye roon.

Read more...