Si Slaughter ba ang pipiliin ng Barangay Ginebra sa 2013 PBA Rookie Draft? | Bandera

Si Slaughter ba ang pipiliin ng Barangay Ginebra sa 2013 PBA Rookie Draft?

Frederick Nasiad - November 01, 2013 - 07:32 PM

BUKAS na gaganapin ang 2013 PBA Rookie Draft at mukhang desidido na ang Barangay Ginebra San Miguel na kunin ang 7-foot center na si Greg Slaughter.

Matagal nang naghahanap ng isang lehitimong sentro ang Ginebra at malamang na hindi nila palalagpasin ang pagka-kataong masungkit ang dating manlalaro ng Ateneo Blue Eagles sa Draft.

Ang susunod na pipili ay San Mig Coffee bilang No. 2 at Rain or Shine bilang No. 3.

Malalim naman ang talent sa Draft na ito pero dalawang ibang matatangkad na players ang nangingibabaw at malamang na sila ang pipiliin ng Mixers at Elasto Painters.

Ito ay sina 6-foot-6 Ian Paul Sangalang ng San Sebastian Stags at 6-foot-8  Raymond Almazan ng Letran Knights.

Hawak naman ng Barako Bull ang sumunod na tatlong picks at ilan sa mga kinukunsidera ng koponan ay sina James Forrester ng Arellano University, Jeric Teng ng University of Santo Tomas at ang magka-kampi sa Far Eastern University na sina Ryan Roose Garcia at Terrence Romeo.

Umabot sa 85 manlalaro ang nag-apply sa Rookie Draft kabilang sina Nico Salva, Robby Celiz, Jopher Custodio, Mark Bringas, Mark Anthony Lopez, Justin Chua, Carlo Lastimosa, Samuel Marata, Dave Najorda, Alex Nuyles, Jeric Fortuna, LA Revilla at ang mga 6-foot-7 na sina Isaac Holstein at John Paul Erram.

Ang 2013-2014 season ng PBA ay magbubukas sa Nobyembre 17. Tatlong laro sa tatlong siyudad sa Luzon, Visayas at Mindanao ang naka-schedule sa opening day.

Uumpisahan ng Talk ‘N Text ang kampanya nito para sa ikaapat na diretsong Philippine Cup championship sa pagharap nito sa Meralco sa New Cebu Coliseum sa Cebu City.

Magtutuos naman ang Governors’ Cup champion San Mig Coffee at  Barangay Ginebra sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Aarangkada naman ang liga sa Davao sa pagsagupa ng Commissioner’s Cup titleholder Alaska Milk sa Rain or Shine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending