NBA fantasy season na | Bandera

NBA fantasy season na

Frederick Nasiad - November 01, 2013 - 07:13 PM

NAG-UMPISA na nitong Miyerkules ang 2013-14 season ng NBA. Super excited ang mga Pinoy NBA fanatics   dahil mapapanood na nilang muli sa TV at cable ang mga basketball ‘demigods’ na tulad nina LeBron James, Kevin Durant, Chris Paul, Dirk Nowitzki, Paul Pierce at Derrick Rose. Syempre, excited na rin ang mga NBA fantasy gamers na tumututok sa mga stats at performances ng mga NBA players.

Sa unang dalawang araw ng liga, agad na nagpakita ng magandang laro si LeBron James. Noong Miyerkules, kumulekta ng 17 puntos, walong assists at anim na rebounds si LeBron sa 107-95 pagwawagi ng koponan kontra Chicago Bulls.

Kahapon ay tumikada siya ng 25 puntos at  13 assists. Yun nga lang naungusan sila ng Philadelphia 76ers, 114-110. Sa mga rookies naman, ang point guard na si Michael Carter-Williams ng  76ers ang may pinakamagandang NBA debut.

Kahit pa tropa ni LeBron ang nakasagupa niya sa kanyang unang NBA game ay hindi siya natinag. Pinangunahan niya ang kanyang koponan sa first quarter kung saan naiwanan ng Sixers ng 22 puntos, 26-4, ang Heat.

Bahagyang nakabawi ang Miami sa third period sa pangunguna ni LeBron ngunit muling humataw si Carter-Williams sa fourth quarter para tulungang biguin ng 76ers ang nagdedepensang kampeon.

Nagtapos na may 22 puntos, 12 assists, 9 steals at 7 rebounds ang 6-foot-6 na si Carter-Williams, ang No.11 overall pick ng 2013 Rookie Draft. Tumira rin siya ng 6-of-10 field goals, kabilang ang 4-of-6 shooting mula sa three-point area.

At ang plus-side sa laro ni Carter-Williams kahapon ay nagkamit lamang siya ng isang turnover. Taliwas naman ito sa performance ng overall top rookie pick na si Anthony Bennett ng Cleveland Cavaliers na umiskor ng dalawang puntos lamang sa 0-of-5 field goal at 2-of-4 free throw shooting.

Mabuti na lang at nanalo ang Cavs laban sa All-Star cast ng  Brooklyn Nets, 98-94. Maganda rin ang mga numero kahapon ni Jeff Green ng Boston Celtics.

Two years ago ay na-sideline siya dahil sa injury at last year ay muli siyang naglaro pero nangapa pa rin siya at nag-average  na 12.8 puntos kada laro.

This year daw ay nangako siyang mahigitan ang personal best season average na 16.5 puntos na nagawa niya noong 2007-08 season.

At mukhang on-track naman siya sa pangakong ito dahil kahapon ay gumawa siya ng  25 puntos sa 8-of-16 field goal shooting. Yun nga lang natalo ang Celtics laban sa Toronto Raptors, 87-93.

May monster game din si Dwight Howard sa unang laro niya sa Houston Rockets kahapon. Kumulekta siya ng 17 puntos, 26 rebounds at tigalawang assists at shot blocks para iangat ang Rockets sa 96-83 panalo  sa Charlotte Bobcats.

Mukhang tinototoo ng 6-foot-11 na si  Howard ang sinabi niyang babawi siya sa season na ito matapos ang hindi magandang performance (statistics-wise) sa Los Angeles Lakers sa nakaraang season.

Hindi kasi tugma kay Howard ang mga plays ng Lakers at mukhang hindi siya kampante na makasama sa team si Kobe Bryant. Pero ngayon, mukhang klik na klik ang combinasyon ng Houston at nakita naman ng mga Pinoy ito nang maglaro sa MOA Arena ang Rockets at Indiana Pacers bilang bahagi ng NBA Global Games.

Yun nga lang, para sa mga fantasy players, downside ni Howard ang kanyang free throws. Tumira siya ng 1-of-4 (25%) mula sa 15-foot line kahapon at sa fantasy world, masyado itong mababa.

Ang isa pang may magandang laro kahapon ay si power forward Greg Monroe ng Detroit Pistons. Nagtapos siya na may 24 puntos, 16 boards at 3 assists para pangunahan ang Detroit sa 113-102 panalo laban sa Washington Wizards.

Ang kagandahan sa kanyang laro ay mas mataas ang accuracy niya sa free throw line kumpara sa Howard. Kahapon ay tumira siya ng 12-of-15 dito.

Nagpasiklab din si Paul George ng Pacers. Noong Miyerkules, gumawa siya ng 24 puntos, anim na rebounds, limang assists at tatlong shot blocks para itulak ang Indiana sa 97-87 panalo laban sa Orlando Magic.

Kahapon ay may 32 puntos, anim na rebounds at limang assists sa 95-90 panalo ng Pacers kontra New Orleans Pelicans.
I’m sure na may iba pang hahataw sa fantasy world sa mga darating na araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kauumpisa pa lang naman ng liga at tiyak babawi ang mga superstars na inalat kahapon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending