Bianca Manalo humingi ng tulong, naiwan ang maleta sa kalsada

Bianca Manalo humingi ng tulong, naiwan ang maleta sa kalsada

PHOTO: Instagram/@biancamanalo

NANANAWAGAN ng tulong ang aktres na si Bianca Manalo matapos maiwan ng kanyang driver ang kanyang maleta sa kalsada.

Sa Instagram, ibinandera ni Bianca ang picture ng bag na isang Rimowa hand carry luggage na kulay maroon.

Ayon sa kanya, ibinaba kasi ito ng kanyang driver ‘nung nililinis nito ang kanyang kotse at nalimutang ibalik sa loob ng kotse.

Kwento niya sa post, “My driver accidentally left my luggage on the side of the road, inside the tunnel of C5 near SM Aura.”

“He was cleaning the vomit of my dog. He forgot to put it back inside the car,” patuloy niya.

Baka Bet Mo: Aiko Melendez nasira ang maleta, disappointed sa isang airline: Our belongings should be treated with proper care

Sakali raw na may nakakita ng kanyang luggage ay i-message lang daw siya o kaya naman ay tawagan ang nagngangalang si Alex na may number na 09989647942.

“If somebody found my maleta, please DM me,” caption niya.

Sey pa ni Bianca, “It has all my belongings for my upcoming events [crying emoji].”

As of this writing, hindi pa naibabalik sa aktres ang kanyang bahage at ang update na ‘yan ay ipinost niya sa Instagram Story.

“My luggage is still missing…” ani sa post.

PHOTO: Instagram/@biancamanalo

Kung matatandaan, naging kontrobersiyal ang dating beauty queen noong nakaraang taon matapos madawit ang kanyang pangalan at ma-link sa “Magandang Dilag” co-star na si Rob Gomez.

Nag-leak kasi ang private conversation nila sa social media na inakala ng maraming netizens ay meron silang relasyon at niloloko umano ng aktres si Senador Win.

Nauna nang nilinaw nina Bianca at Sherwin ang tungkol naging isyu at ibinalita na maayos ang kanilang relasyon.

“It is upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing. It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations.

“To be honest, this unfounded accusation is hurting me and my loved ones. Let this controversy end so I can enjoy the rest of my time in Japan with my family,” aniya pa.

Kasunod niyan ay nagbahagi si Senator Win sa IG ng mga litrato nila ni Bianca na may mensaheng, “No fake news will divide us apart” and “To @biancamanalo, my 2023 Christmas gift to you – I will always be by your side.”

Read more...