Robin Padilla sa viral IV drip session ni Mariel: ‘Nakakatawa naman po’

Robin Padilla sa viral gluta drip session ni Mariel: 'Nakakatawa naman po'

PHOTO: Instagram/@marieltpadilla

PARA kay Sen. Robin Padilla, nakakatawa na naging “political issue” umano ang nag-viral na gluta drip session ng kanyang misis na si Mariel Padilla dahil lamang ginawa ito sa kanyang opisina.

Burado na ang nasabing post, pero magugunitang nag-trending ito sa social media noong February 21 dahil hindi nagustuhan ng madlang netizens ang ginawa ni Mariel sa loob ng Senado.

Ang nakalahad sa caption ni Mariel:

“Hehehe I had an appointment with @dripinluxeph but I was going to be late so I had it done in my husband’s office. Hehe I never miss a drip because it really helps in so many ways. A collagen production, whitening, energy, metabolism, immunity and 50000 much more!”

Recently lamang ay nagpadala ng text message ang senador sa INQUIRER.net upang magbigay ng reaksyon sa nangyari.

Baka Bet Mo: Mariel Padilla binatikos matapos magpa-IV drip sa Senado

Sey niya, “Nakakatawa naman po ang political issue na ‘yan.”

“If they saw something bad in that photograph, I apologize. No intention of disrespect,” wika pa ng politician-actor.

Ani pa niya, “My wife loves to promote good looks and good health.”

Ilang araw matapos ang kinasangkutang isyu sa social media accounts, ipinagtanggol ni Mariel ang kanyang sarili.

Para sa TV host-actress, walang masama sa kanyang ginawa.

“To tell you the truth, hindi ko po nakikita na kahit kaunti may mali dun sa ginawa ko, masama yung ginawa ko,” saad ni Mariel.

Paliwanag niya, “Dahil one, bitamina yung nilalagay ko sa katawan ko, for health reasons ‘yun. Hindi naman po ako nagda-drugs, na naghi-heroin ako dun. Buti kung naghi-heroin ako dun, di ba? Hindi naman po.”

Dagdag pa niya, wala naman siyang ginawa sa Senate seal.

“Hindi ko naman flinash yung bitamina dun sa Senate seal. Wala naman akong ginawang ganun. Umupo lang ako doon at saka nagpabitamina sa katawan. So, hindi ko maintindihan bakit parang may mga nag-react,” sey niya.

Dagdag niya, “So dahil may mga nag-react, kaya ko po tinake down ‘yung post ko. In respect doon sa mga na-offend o kung anuman, tinanggal ko po. Kaya ko yun tinanggal.”

Sa huli ay humingi siya ng tawad at sorry sa mga na-offend sa kanyang post.

Ani Mariel, “So, kung sa tingin ninyo mali, o masama, o na-offend kayo dun sa ginawa ko, sorry po.”

Read more...