Quiboloy itinangging nang-abuso ng mga babae: Pinag-aagawan ako!

Quiboloy itinangging nang-abuso ng mga babae: Pinag-aagawan ako!

PINABULAANAN ni Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang mga alegasyong nang-abuso siya ng mga kababaihan.

Sa isang pahayag na inilabas ng Sonshine Media Network International o SMNI nitong Miyerkules, February 21, iginiit niyang dahil sa single siya ay pinag-aagawan raw siya nf mga babae.

“Ako po ay hindi nag-asawa. Ngayon ay inaakusahan ako ng napakaraming babae,” saad ni Quiboloy.

Aniya, nang hindi raw niya ito napagbigyan sa kanilang gusto ay binaliktad daw siya ng mga ito.

“Ito po ang kasalanan ko. Pinayaman ako ng Panginoong Diyos. Single ako, kaya pinag-aagawan ako.

“Pagkatapos na ako ay maghi-hindi, mapapahiya, ibabaliktad nila sa akin. Iyan ang tinatawag kong Potiphar’s wife syndrome,” sey ni Quiboloy.

Chika pa ng pastor, binayarab umano ang mga babaeng nagrereklamo laban sa kanya.

Baka Bet Mo: Apollo Quiboloy nawalan ng YouTube channel matapos isumbong ng netizen, may nilabag na guidelines

“Hindi po ako nagsasalita nang ganito kasi mapapahiya ang mga babaeng ‘yan. Nag-aagawan sila. Mahirap mang sabihin, pinag-aagawan nila ako,” sabi pa ni Quiboloy.

Pagpapatuloy pa niya, “[Sinabi nila] sa mga magulang [nila na] ‘Mayaman na tayo, Ma, kapag nangyari ito.’ Sabi ko, ‘Hindi mangyayari iyan.’ Dedicated ako e. Napahiya. Ngayon binayaran, at ngayon binabaliktad ang kanilang istorya.”

Sey pa ni Quiboloy, napilitan na siyang magsalita dahil sa banta sa kanyang buhay.

Binalaan naman ni Sen. Risa Hontiveros ang pastor na huwag itong maging “pa-victim” at dapt sumailalim ito sa legal na proseso.

“Wag pong pa-victim. Ang hinihingi lang sa inyo ay humarap sa mga legal na proseso, kasama ang proseso ng Senate investigation,” saad ng senador.

Matatandaang noong January 2024 nang mag-isyu ang Senate Committee on Women ng subpoena laban Quiboloy matapos itong hindi dumating Senate investigation kaugnay ng mga alegasyon ng pang-aabuso ng kanilang grupo.

Nahaharap ang KOJC sa mga kasong human trafficking, rape, sexual abuse, at child abuse.

May mga babae na rin ang humarap sa pagdinig upang magsalita kung paano sila pinagsamantalahan umano ni Quiboloy.

Read more...