Jisoo ika-3 Blackpink member na nagtayo ng sariling agency
SUNOD-SUNOD ang pasabog ng mga miyembro ng K-Pop girl group na Blackpink!
Matapos kasi magtayo ng sariling kumpanya sina Jennie at Lisa, next level na rin si Jisoo na ni-launch ang sariling entertainment company na tinawag na “Blissoo.”
Ang magandang balita, ibinandera mismo ng Korean pop idol sa isang joint Instagram post noong February 21.
Ayon kay Jisoo, ang agency niya ang magsisilbing bagong simula niya sa entertainment industry.
“Hello, this is Jisoo. I’m excited to share my new start with Blissoo,” caption niya kalakip ang kanyang picture.
Wika pa niya, “Stay tuned for what’s to come, as I’m dedicated to bringing joy and happiness to each and every one of you.”
Baka Bet Mo: Blackpink Jisoo, Ahn Bo-Hyun kumpirmadong ‘in a relationship’ na
View this post on Instagram
Nanawagan din si Jisoo sa kanyang fans na patuloy siyang suportahan sa kanyang karera bilang solo artist at miyembro ng K-Pop group.
“Please continue to shower your love and support for Jisoo with Blissoo, and also for Blackpink. Thank you,” sey niya.
Base naman sa official statement ng Blissoo, ang layunin ng kumpanya ay makapagbigay ng kaligayahan sa pamamagitan ng mga gagawin ng singer-actress sa buong karera niya.
“Transcending the boundaries of genres and fields, our mission is to share the happiness that Jisoo creates in her own unique way,” lahad sa website.
Kung matatandaan, December last year ng ni-launch ni Jennie ang kanyang “Odd Atelier” agency, habang nitong buwan lamang nang inanunsyo ni Lisa ang kanyang “Lloud” company.
Samantala, hanggang ngayon ay wala pang anunsyo ang isa pa nilang miyembro na si Rosé patungkol sa gagawing solo activities.
Ang four-piece act ay nag-debut noong August 2016 at kilala sila sa hot songs kagaya ng “How You Like That,” “Pink Venom,” at “Shut Down.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.