Sister ni Ria Atayde may bilin kay Zanjoe Marudo: ‘Please take care of her’

Sister ni Ria Atayde may bilin kay Zanjoe Marudo: ‘Please take care of her’

Gela Atayde, Ria Atayde, Zanjoe Marudo

MATAPOS ang anunsyo na engaged na, may bilin ang kapatid ni Ria Atayde na si Gela para kay Zanjoe Marudo.

Ang gusto lang daw ni Gela, ang maalagaan nang mabuti ang kanyang kapatid.

“Please take care of her, kuya @onlyzanjoemarudo [white heart emoji],” sey ng kapatid ni Ria sa isang Instagram Story post kalakip ang picture nilang tatlo.

Chika pa ni Gela, “She’s a little fragile and stubborn but she’s ok [emoji].”

Gayunpaman ay ipinaalam niya na masayang-masaya siya sa relasyon ng celebrity couple.

Baka Bet Mo: Gela Atayde gusto ng baby girl na pamangkin kay Arjo, ibinuking ang ‘ugali’ ni Maine bilang sister-in-law: ‘Pareho po kaming kalog’

“I love you both. Sosososoooo happy!!! FINALY!!!” caption ng sister ni Ria.

Kasunod niyan, tila sinabi ni Gela na ang bilis ng panahon dahil pakiramdam pa rin daw niya ay mga bata pa rin sila ni Ria.

Wika niya, “Wtheck man @ria it feels like we were just on the way home from Poveda in our uniforms yesterday??”

PHOTO: Instagram Story/@ataydegela

Shinare din naman ‘yan mismo ni Ria at naglagay ng GIF na may nakasaad na “I love you.”

Noong February 20 nang masayang inanunsyo nina Ria at Zanjo na engaged na sila sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

“Forever sounds good,” ang caption ng Kapamilya actress sa litrato nila ni Zanjoe.

Mababasa naman sa Instagram Story ng aktor  ang mga katagang, “Hi fiance.”

January last year lamang nang kinumpirma ni Zanjoe sa publiko ang real score nila Ria matapos ang ilang buwang pagde-date.

Sa isang interview noong Setyembre ay inamin ng aktres na itinuturing niyang “the one” o “forever” si Zanjoe.

Ayon sa kanya, hindi naman sila mag-aaksaya ng oras at panahon kung hindi nila nakikita ang isa’t isa bilang partners in life na panghabangbuhay.

“I mean I wouldn’t invest this much time if I didn’t think he wasn’t the one,” pahayag ni Ria.

Read more...