Sparkle artists hataw sa sinehan; Firefly umaariba pa rin sa ibang bansa

Sparkle artists hataw sa sinehan; Firefly umaariba pa rin sa ibang bansa

Thea Tolentino, Euwenn Mikaell at Alessandra de Rossi

SA big screen naman nagpapamalas ng galing sa pag-arte ang mga Sparkle artist na sina Thea Tolentino, Glaiza De Castro, Pokwang at Kelvin Miranda.

Switch muna sa pagpapatawa si Thea sa romantic comedy film na “Take Me to Banaue” ng Carpe Diem Pictures na ipinalabas na sa mga sinehan noong February 12.

Samantala, bibida ang award-winning actresses na sina Pokwang at Glaiza sa latest suspense action film na “Slay Zone” mula sa batikang direktor na si Louie Ignacio. Ito ay inabangan ng viewers noong February 14.


Hindi naman nagpahuli si Kelvin na muling makakasama si Beauty Gonzalez sa pelikulang “After All” ni Direk Adolfo Alix, Jr. na dapat abangan ng netizens sa darating na February 28.

Baka Bet Mo: Alessandra kering-keri maging nanay, super proud sa MMFF entry na ‘Firefly’

Habol na sa mga sinehan at panoorin ang “Take Me To Banaue”, “Slay Zone” at “After All” na pinagbibidahan ng mga multi-talented at versatile Sparkle artists.

* * *

Truly unstoppable ang “Firefly” fever dahil ang award-winning film ng GMA Network ay may international screening mula February 16 hanggang 22 sa iba’t ibang lugar sa United States.

Matapos tanghalin bilang big winner ng Manila International Film Festival noong February 3 sa Hollywood, patuloy pa rin ang pagpapalabas ng pelikulang produced ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa mga sinehan sa California.

Kabilang dito ang mga sinehan sa Ontario (Ontario Palace Cinema), San Diego (Mira Mesa, Reading Town Square),  Carson (Cinemark Carson), Elk Grove (Elk Grove Laguna), Cerritos (Cerritos STM), West Covina (West Covina STM), Vallejo (Vallejo 14), San Bruno (Century Tanforan), Union City (Union City 25), at Milpitas (Milpitas Great Mall).


Bukod sa California, mapapanood din ang “Firefly” sa iba pang US states tulad ng Las Vegas (Century Orleans Cinema), Portland (Eastport Plaza), Guam (Guam Megaplex), Houston (Gulf Pointe), Richmond (Cinemark Longmeadow), Olympia (Century Capital Mall), Aiea (Consolidated Theatres Pearlridge), Kapolei (Consolidated Theatres Kapolei), at Northern Mariana Islands (Saipan Megaplex).

Matatandaang inuwi ng “Firefly” ang mga award na Best Picture, Best Screenplay (Ms. Angeli Atienza), Best Director (Zig Dulay), at Best Supporting Actress (Alessandra de Rossi) noong MIFF sa Hollywood, habang Best Picture, Best Screenplay, at Best Child Actor (Euwenn Mikaell) naman ang napanalunan nito sa Pilipinas noong MMFF 2023.

Dasurv na dasurv nga raw ng “Firefly” ang mga papuri at award. Kaya naman ang ibang Pinoy, humihiling na maipalabas ito sa mas marami pang bansa.

Read more...