GOOD news para sa mga patuloy na humo-hopia (hoping, umaasa) sa muling pagsasama nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa isang bonggang project!
Siniguro ng Kapamilya actor na tuloy na tuloy pa rin ang much-anticipated reunion movie nila ng dating ka-loveteam na si Julia.
Unang ibinalita ang muling pagsasama nina Joshua at Julia sa pelikula nang ibandera ng Viva Entertainment ang mga pasabog nilang projects ngayong 2024.
“Wala pa akong balita pero ang last kong balita hindi pa kasi kami nag-shoot eh, pero mangyayari ‘yun,” ang pahayag ng binatang aktor sa isang interview.
Baka Bet Mo: Joshua damay din sa KathNiel breakup, panglalaglag kay Daniel fake news
Ang horror-action movie na “Block Z” ang huling project nina Joshua at Julia na ipinalabas noong 2020.
Siyempre, abangers na ang mga JoshLia fans sa kanilang movie dahil matagal na nga nilang nire-request ito sa ABS-CBN at sa mga film producers.
Aside from this Viva Films project, ibinalita rin ni Joshua ma naghahanda na siya ngayon para sa bago niyang series na nakatakdang ipalabas this year.
“Meron may mga projects ako this year pero as of now nasa preparation stage pa rin kami ngayon,” sabi ng aktor na huling napanood sa unang collaboration project ng ABS-CBN at GMA 7, ang “Unbreak My Heart” with Jodi Sta. Maria and Gabbi Garcia.
Baka Bet Mo: Matteo gusto nang maging daddy, tinukso-tukso si Sarah: Babies! Babies!
Sa ngayon, ine-enjoy muna ni Joshua ang kanyang pamamahinga matapos ang sunud-sunod na trabaho last year.
“Very chill start. Parang feeling ko ‘yung simula ng taon na ‘to puro self-care, puro workout, exercise puro ganun muna.
“Kailangan kasi nagdaan ang Pasko at bagong taon na puro pagkain ‘di ba? I think deserve ko rin na ibalik ‘yung sarili ko,” aniya pa.