Maxine buntis na sa 1st baby nila ni Timmy Llana: OMG! We can’t wait!

Maxine buntis na sa 1st baby nila ni Timmy Llana: OMG! We can't wait!

Maxine Medina at Timmy Llana

KUMPIRMADO! Buntis na ang Kapuso actress at dating beauty queen na si Maxine Medina sa panganay nilang anak ni Timmy Llana.

Ilang buwan makalipas ang kanilang  kasal, ibinandera nina Maxine at Timmy ang good news sa publiko sa pamamagitan ng social media.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ng aktres at Miss Universe Philippines 2016 ang litrato nila ng asawa hawak ang  ultrasound photo ng kanilang magiging baby.

Aniya sa caption, “So, this is how it feels to hold an ultrasound photo of our own little one, yieeee…

Baka Bet Mo: Maxine Medina, Timmy Llana nagpakasal muna sa simbahan bago ang bonggang beach wedding sa Palawan

“We’re thrilled to share the most precious news! We’re expecting our first little bundle of joy!

“Our hearts are bursting with so much love and excitement as we begin this incredible journey into parenthood. OMG… weeee can’t wait,” mensahe ng dating beauty queen.

Dagdag pa niyang chika tungkol sa pagiging first-time mom, “Oh I just wanna share, it’s true that you’ll cry when you hear that first heartbeat yes it was sooo precious.”


Ibinahagi rin ni Maxine ang isang short video sa IG kung saan mapapanood ang kanyang pagpapa- ultrasound scan, kung saan sinabi nga niya na healthy naman daw ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Baka Bet Mo: Maxine Medina ready nang mag-’I Do’ sa fiancé na si Timmy Llana, 2 beses ikakasal

Sunud-sunod naman ang natanggap niyang pagbati mula sa mga netizens at sa mga friends niya sa showbiz kabilang na sina Herlene Budol, Sanya Lopez, Cassy Legaspi, Winwyn Marquez,  Rodjun Cruz, Analyn Barro, Angela Alarcon at EA Guzman.

Nag-congratulate rin sa kanya sina Ara Mina, Sunshine Garcia, Thia Thomalla, Claire Ruiz Hartell at Ariella Arida.

Dalawang beses ikinasal sina Maxine at Timmy, una ang kanilang church wedding noong October 3, 2023 sa  Immaculate Heart of Mary sa Antipolo at ang ikalawa naman ay sa isang beach sa Coron, Palawan noong October 10, 2023.

Read more...