Xian Lim panay ang cryptic post: ‘I only want real’

Xian Lim panay ang cryptic post: 'I only want real'

PALAISIPAN ngayon sa madlang netizens ang pagbabahagi ng Kapuso actor na si Xian Lim ng mga cryptic post sa kaniyang social media.

Sa kanyang Instagram ay panay ang pagbabahagi nito ng reels na talaga namang pumukaw sa atensyon ng mga netizens at ilan sa mga tagasuporta ng kanyang ex-girlfriend na si Kim Chiu.

Isa sa mga IG reel na ibinahagi ni Xian ay mula sa content creator nasi JB Copeland ukol sa pagiging totoo.

“Anything you lose by being real was fake. Your authenticity has the power to reveal what wasn’t real. I only want what wants me. I want real,” sey sa ibinahagi ng aktor.

Sa sumunod na IG reel na ibinahagi naman ni Xian ang tungkol sa pagko-control ng emosyon.

“Control your emotions and never beg for attention, love, or care. If someone doesn’t want to talk to you, don’t force them because forced relationships don’t last much longer. So why shatter your soul for temporary gain? Hold yourself together and distance yourself for the sake of your mental and emotional well-being.

Baka Bet Mo: Xian Lim viral ang larawan kasama si Iris Lee, magdyowa nga ba?

“You’re a good person. You are just trying to prove it to the wrong one. The right one will never let you beg for anything. People don’t neglect those they love. They neglect either because you are no longer useful to them or they don’t want you to be part of their life. Don’t ever forget that. So be strong and value your sanity. Don’t try to paint a different picture of them after experiencing all the red flags,” saad sa ni-reshare na reel ni Xian.

Hinala tuloy ng mga netizens, tila may pinapatamaan raw si Xian sa mga posts.

Well, wala namang binabanggit ang Kapuso actor na pangalan at marahil ay nagbabahagi lang ito ng IG reels na nagustuhan niya.

Kamakailan ay muling naging usap-usapan si Xian matapos mag-viral ang mga larawan niya kasama ang film producer na si Iris Lee.

Marami ang naimbyerna sa Kapuso actor dahil may mga naghihinala na baka ito ang dahilan kung bakit nagtapos ang 12 years na relasyon ng KimXi.

Matatandaang Dec 2023 nang kumpirmahin ni Kim ang mga kumakalat na chika ukol sa break up nila ni Xian.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang Kapuso actor hinggil sa isyung ibinabato sa kanya at sa film producer.

Bukas naman ang Bandera para sa paglilinaw nina Xian at ng iba pang kampong involved sa isyu.

Read more...