BINASAG na ng aktor na si Dominic Roque ang kanyang katahimikan ukol sa mga isyung ibinabato sa kanya ng kolumnistang si Cristy Fermin sa kanyang mga vlogs.
Sa pamamagitan ng kanyang mga abogado sa Fernandez & Singson Law Offices, pinalagan ng aktor ang mga “malicious and defamatory public statements” ng showbiz columnist.
“We write on behalf of our client, Mr. Dominic Roque, appertaining to the recent statements of Ms. Cristy Fermin in her social media vlogs.
“We strongly condemn the malicious and defamatory public statements of Ms. Fermin. These defamatory statements were made by Ms. Fermin under the guise of entertainment news without any effort from her to confirm the same from Mr. Dominic Roque,” saad sa official statement ng kampo ng aktor na inilabas ng GMA News.
Matapos nito ay inisa-isa nila ang mga “malicious defamatory innuendos” ng showbiz columnist gaya ng pagiging benefactor ng isang politician na siya ring nagmamay-ari ng tinitirhang condo ng aktor.
“The messaging of the innuendos were clear and unambiguous. In fact, the malicious and baseless innuendos were quickly picked up by social media netizens, several of whom even uploaded a photo of Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos, without his knowledge and consent.”
Baka Bet Mo: Dominic Roque ‘barkada’ lang nina Bullet Jalosjos at Bong Suntay
Paglilinaw nila, wala itong katotohanan dahil matagal nang kaibigan ni Dominic si Mayor Jalosjos at ang naturang condo ay nirerentahan niya sa alkade.
“He is embarrassed and apologizes to Mayor Bullet Jalosjos and his family for being dragged into the public conversation because of the malicious defamatory public innuendos of Ms. Fermin.”
Nagsalita rin ito sa pagkaka-link ng pangalan ng dating kongresistang si Bong Suntay na isa rin sa diumano’y benefactor raw ni Dominic.
“By making such a statement, Ms. Fermin made the innuendo that unreasonably casts doubt on the sexuality of former Congressman Bong Suntay.
Baka Bet Mo: SNN hosts nilinaw na ‘di pinangalanan ang politiko na nauugnay kay Dominic
Again, Mr. Roque would like to apologize to former Congressman Bong Suntay and his family for the embarrassment caused by the deplorable innuendos made by Ms. Fermin.”
Nilinaw rin nito na walang pag-aaring gasolinahan ang binata.
“Furthermore, Mr. Dominic Roque does not own a Clean Fuel gas station; in fact, all Clean Fuel gas stations are company-owned,” saad ng abogado ng aktor.
Bagamat naiintindihan raw nila na bilang artista at kilalang personalidad, bukas ang ilang parte ng buhay niya sa publiko ngunit hindi raw lisensya ng mga mainstream media at independent vloggers ang free speech o freedom of the press dahil may mga batas na nagpo-protekta sa integridad ng isang indibidwal laban sa “public, malicious, and defamatory statements.”
“Ms. Fermin acted outside the bounds of protected free speech and intentionally caused damage to the integrity and honor of the affected individuals.”
Pagbibigay diin rin sa naturang statement, walang katotohanan na nagtalo sina Dominic at Bea ukol sa pre-nuptial agreement.
“Finally, to set the record straight, Mr. Dominic Roque and Ms. Bea Alonzo never fought nor had a disagreement over a pre-nuptial agreement.
“Reckless statements relating to the alleged disagreement over a pre-nuptial agreement between them are, not only unverified, but merely based on speculations intended to produce a negative image on the parties concerned.”
Matatandaang nilinaw na noon ng kampo nina Cristy Fermin kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na wala silang binanggit sa kanilang vlogs na pangalan ng mga politikong nauugnay sa isyu.
“Wala po kaming binanggit dito sa SNN o kahit sa CFM. I-rewind n’yo ang paulit-ulit. Kahit i-rewind niyo po ang wala kaming nabanggit na pangalan,” sey ng kolumnista.
Wala pa namang pahayag si Cristy Fermin ukol sa inilabas na official statement ng panig ni Dominic.
Bukas ang Bandera para sa paglilinaw o tugon ng showbiz columnist hinggil sa isyung kinasasangkutan.