Miss Philippines 2023 Alethea Ambrosio lalaban sa Miss Supranational 2024

Miss Philippines 2023 Alethea Ambrosio lalaban sa Miss Supranational 2024

Alethea Ambrosio

CONFIRMED! Ang reigning The Miss Philippines na si Alethea Ambrosio ang lalaban sa Miss Supranational 2024 pageant.

Si Alethea ang napili ng The Miss Philippines organization bilang representative ng bansa sa inaabangang Miss Supranational this year.

Kinoronahan ang dalaga bilang The Miss Philippines noong October, 2023 at ngayon ay inaasahang makapag-uuwi sa bansa ng ikalawang Miss Supranational crown na unang napanalunan ni Mutya Datul noong 2013.

Baka Bet Mo: Celeste Cortesi bumandera sa ‘Darna’ finale: Lumaban at patuloy na lalaban

Sa isang video na kuha sa pagrampa niya sa The Miss Philippines last year, ang isa sa mga adbokasiyang ipagpapatuloy niya bilang beauty queen ang pagtulong sa local tourism.


“Bilang isang reyna, tungkulin kong mapalaganap ang turismo hindi lang dito sa Bulacan kundi sa buong Pilipinas.

Baka Bet Mo: Pauline Amelinckx pasok na naman sa isa pang online contest ng 2023 Miss Supranational pageant

“Dahil tulad ng Bulacan na siksik sa kultura at kasaysayan, ang mga tanawin at pasyalan dito sa Pilipinas ay talaga nga namang kay sarap balik-balikan,” pahayag ng dalaga.

Ang 15th edition ng Miss Supranational ay magaganap sa Nowy Sacz, Lesser Poland, Poland, kung saan ipapasa ni Miss Supranational 2023 Andrea Aguilera ng Ecuador ang kanyang titulo at korona.

Bukod kay Alethea, ang iba pang beauty queen na binigyan ng mga titulo ng The Miss Philippines organization para lumaban sa iba’t ibang international pageant ay sina Hanna Uyan, Miss Eco Teen Philippines; Chantal Elise Schmidt, Miss Eco International Philippines; Isabelle de los Santos, Miss Aura Philippines; at Blessa Ericha, Miss Asia Pacific International Philippines.

Read more...