NAGPAKATOTOO ang seasoned actor na si Aga Muhlach tungkol sa pagiging ama sa anak nila ni Janice de Belen na si Luigi Muhlach.
Inamin niya na talagang may pagkakataon na itinigil niya ang pagbibigay ng financial support sa panganay niyang anak para na rin matuto ito sa buhay.
Sa panayam sa kanya ng talent manager ay content creator na si Ogie Diaz, napag-usapan nga nila ang tungkol sa naging relasyon nila ni Luigi na dumating sa buhay niya noong 17 years old pa lamang siya.
Natanong ni Papa O ang award-winning actor kung never bang nanghingi si Luigi ng tulong sa kanya, lalo na noong nagkaroon na ito ng sarili niyang pamilya.
“Of course he did, oo marami na ‘yan. Kaya lang, of course, it has to stop,” diretsong sagot ni Aga.
Patuloy pa niya, “It has to stop, kasi kaya ako natuto sa buhay, wala akong mahingian noon, eh.
“Kung may dumarating sa akin parati, bakit pa ako magtatrabaho? Ngayon, wala silang ganu’n, gawa ng paraan. Ayun, nakaya naman,” pahayag pa ni Morning (palayaw ng aktor).
Paliwanag pa raw niya kay Luigi sa pagtanggi niyang magbigay ng tulong, “Hindi sa ayaw kitang bigyan. Hindi ko naman puwedeng sabihin na wala akong pera, ‘di ba?”
“He has four kids, kailangan niyang magtrabaho talaga. Sinabi ko sa kanya, apat ‘yang anak mo, tatrabahuhin mo ‘yan,” ang punto pa ng dating matinee idol.
Baka Bet Mo: Janice ayaw nang makatrabaho si John, pero payag kay Aga: Magkaiba kasi yung status ng relationship…
In fairness, mukhang successful naman ang buhay ngayon ni Luigi bilang isang chef. Maayos din ang buhay niya bilang asawa sa kanyang misis na si Patty, at bilang tatay sa apat nilang anak.
Sa isang panayam noon, puring-puri ni Aga ang panganay na anak kay Janice, “What makes me happy and proud is the way Luigi is as a father and as a husband.
“I always tell him, ‘You know, just hang in there because God will continue to bless you…’ It will not stop as long as God sees your heart that you really want what’s good for your children and for your wife.
“It’s going to happen. It will happen. We got to believe that. All of us. No one can ever put you down. As long as you protect your family, the world cannot damage you,” payo pa ni Aga sa anak.