GF ni Anthony walang isyu kay Maris, suportado ang SnoopRene loveteam

 

GF ni Anthony walang isyu kay Maris, suportado ang SnoopRene loveteam

Anthony Jennings at Maris Racal

TULAD ng kanilang mga fans, tuwang-tuwa rin ang respective partners nina Maris Racal at Anthony Jennings sa kanilang pak na pak na tambalan.

Patuloy na umaani ng papuri ang positive feedbacks mula sa manonood ang viral loveteam nina Maris at Anthong sa Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love“.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala Anthony sa napakainit na pagtanggap ng madlang pipol sa tandem nila ni Maris na tinatawag na ngayong “SnoopRene” o “SnoRene”, ang pinagsamang pangalan ng mga karakter nila sa “Can’t Buy Me Love.”

“Sobrang nakaka-overwhelm. Di ko rin in-expect na tatanggapin ng ganu’n, of course alam naman natin Filipino culture na mahal na mahal nila ‘yung romcom, di ba?

Baka Bet Mo: Anthony shookt sa success ng tambalan nila ni Maris; may isyu kay Donny?

“Iyon talaga ‘yung nagpapasaya sa kanila and happy naman ako na nag-work ‘yung mga eksena namin,” ang pahayag ng binata sa online show Push Bets Live.

“Of course, si Maris magaling naman talaga siya eh and alam mo ‘yun nagco-connect kami sa isa’t isa, parehas kami ng humor and rare nga ‘yung makatagpo ka ng someone na alam mo ‘yun, makakapagpatawa kayo ng parehas,” ang sey pa ni Anthony about his leading lady.


Samantala, inamin din ng Kapamilya actor ang tungkol sa kanyang girlfriend, “Matagal na kami, five years na kami.”

Nagpapasalamat nga raw siya dahil napaka-understanding at very supportive ng dyowa niya sa kanyang showbiz career.

Baka Bet Mo: Sarah Geronimo, John Lloyd Cruz magkakaroon na nga ba ng comeback movie together?

“Support naman siya sa lahat ng ginagawa ko. Lagi ko naman sinasabi sa kanya and siyempre communication is the key pa rin talaga.

“Kailangan pa rin kausapin, ipaintindi ‘yung line of work mo kasi sa showbiz mahirap intindihin ‘yung trabaho natin. And happy naman ako kasi minsan ka lang din makatagpo ng tao na nakakaintindi ng ginagawa mo,” lahad ni Anthony.

Bukod sa kanyang partner, pati ang family niya ay talagang nakasuporta sa kanya lalo na sa tambalan nila ni Maris, “Sobrang tuwang-tuwa (ang dyowa), di lang siya pati ‘yung family ko rin, mga kamag-anak ko, pati ‘yung mga kamag-anak ko rin sa UK.

“Nakakatuwa lang din. Nao-overwhelm lang din ako ‘Snoop,’ tinatawag ka kahit saan kaya masarap sa pakiramdam,” aniya.

Nauna rito, nilinaw din ni Anthony na hindi totoo ang isyu ng sapawan sa kanila nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, ang mga bida sa “Can’t Buy Me Love”.

Read more...