Celeste Cortesi sa pagsali ng transwoman sa Miss U: It’s not about the sex

Celeste Cortesi sa pagsali ng transwoman sa Miss U: It's not about the sex

Celeste Cortesi

PARA sa beauty queen-actress na si Celeste Cortesi, walang isyu kung mas marami pang sumaling transwoman sa Miss Universe pageant.

Graduate na ang dalaga sa pagsali sa mga beauty contest at mas gusto na raw niyang mag-concentrate ngayon sa kanyang showbiz career.

“I’m done with pageantry, tapos na,” ani Celeste na nabigong maiuwi ang korona at titulo sa Miss Universe 2022 na napanalunan ng half-Pinay, half-American na si R’Bonney Gabriel ng USA.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Celeste sa presscon ng unang acting project niya sa GMA 7 na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2” starring Sen. Bong Revilla and Beauty Gonzalez.

Baka Bet Mo: Gloria Diaz inalmahan ang pagsali ng mga single moms, married women, transwomen sa Miss Universe: ‘Dapat may sarili silang contest’

Isa nga sa mga naitanong sa kanya ang desisyon ng Miss Universe Organization na payagan nang sumali ang mga transwomen o mga dating lalaki na babae na ngayon, sa naturang pageant.

“Well I think that’s not even like, like a news, we had it before, and there’s nothing wrong with it.

“To be honest. It’s not about the sex, the age, the beauty anymore, it’s more about what you can bring in the table.

“And these women, they have such inspirational backgrounds that’s why they join Miss Universe, that’s why they the have the chance to be Miss Universe,” ang pahayag ni Celeste.

Aniya pa, “So I think I will always choose to see the positive side to it, and this is positivity, and it gives more chances for more women.”

Natanong din ang dalaga kung ano ang magiging reaksyon niya kapag isang transwoman candidate ang nakatalo sa kanya sa beauty pageant – sasama ba ang loob niya?


“I wouldn’t be mad about it, I cannot be mad about it, I cannot be mad about it. It’s her space, it’s her right to win,” ang tugon ng Kapuso actress.

Baka Bet Mo: Dabarkads napa-wow sa galing ng transwoman doctor na sumalang sa ‘Bawal Judgmental’, ipaglalaban ang karapatan ng LGBTQ

Speaking of “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2”, gaganap siya rito bilang si Diamond Ricci at mapapasabak din siya rito sa mga action scenes.

Yes, magpapaka-action star si Celeste sa nasabing action-romcom series nina Bong at Beauty. Inamin niya na inaatake siya ng matinding nerbiyos sa unang pagsalang niya sa kanyang Kapuso project.

“Because of course it is very something new to me, and it took a lot of physical preparation, you really have to be good at it, to make your scenes very maganda sa screen. So that’s a challenge definitely.

“But I’m working on it, people are helping me, yeah, I’m just quite excited, something new,” ani Celeste.

Read more...