Ina ni Heart naiyak sa renewal of vows nila ni Chiz: Finally I arrived!

Ina ni Heart naiyak sa renewal of vows nila ni Chiz: Finally I arrived!

PHOTO: Screengrab from Instagram/@iamhearte

HINDI napigilang maging emosyonal ni Cecilia Ongpauco nang masaksihan niya ang renewal of vows ng kanyang anak na si Heart Evangelista kay Chiz Escudero na naganap sa Balesin Island.

Ito ay makalipas ang siyam na taon na hindi niya pagdalo sa kasal ng mag-asawa noong 2015.

Sa isang highlight video na ibinandera ng fashion icon sa Instagram, makikita na nagkaroon ng mother-and-daughter moment sina Heart at mommy Cecilia bago ang seremonya.

Sey ng ina ni Heart sa bahagi ng video, “So happy for her. And I’m happier because I am around to witness this.”

“Finally I arrived,” dagdag niya.

Baka Bet Mo: Tatay ni Heart labs na labs na si Chiz: Sayang, naging bati na sana kami noon pa…

Ani pa niya, “Nine years too late, but made it still.”

Mapapanood din na naiyak sa tuwa si mommy Cecilia habang naglalakad sa aisle ang kanyang anak papunta kay Chiz na nasa altar.

Sa comment section, may isang netizen ang nakapansin na wala ang ama ni Heart na si Reynaldo Ongpauco sa special day ng mag-asawa.

“Congratulations po sorry to ask po bakit wala po si daddy?” komento ng IG user.

Nag-reply naman sa kanya ang socialite pero hindi na niya idinetalye ang kondisyon ng ama, “he is recovering [happy face emoji].”

PHOTO: Instagram/@iamhearte

 Matatandaang noong 2013, nagkaroon ng hidwaan si Heart at ang kanyang mga magulang dahil sa relasyon niya kay Chiz na inilarawan noon ni mommy Cecilia bilang isang “manipulative opportunist.” 

Ilang buwan matapos ang kasal ng mag-asawa noong 2015 ay nagkabati naman ang fashion icon at ang kanyang mga magulang.

Noong nakaraang taon nang maging usap-usapan na may pinagdadaanan umano ang mag-asawa, pero makalipas ang ilang buwan ay naging maayos ang kanilang relasyon at mula niyan ay makikita sa social media na sweet na sweet ang dalawa.

Read more...